Chapter 42~ Panaginip

1.4K 43 2
                                    

~Isabella POV~

Pagkatapos ng nangyari wala na akong mukhang maihaharap kay Antonie.

Nakahiga ako sa kama ko habang iniisip yung mga nangyari kahapon.

Nahihiya akong lumabas at baka makita ko si Antonie at lalo lang ako mailang.

Agad na pumasok sa iniisip ko si Devon, At yung sinasabi niyang laro.

Kakaunti na lang kaming mga babae at sa tingin ko doon na yata ako mamatay.

Katapusan ko na. Si Devon ang papatay sa akin!

Isang ngiting punong punong ng pighati ang bumakas sa mukha pero agad din naman itong nabura at kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha ko.

Natatakot ako!

Kinakabahan ako!

Naiinis ako!

Bakit ganito ang kapalaran ko? Simula pagkabata ay hindi normal ang buhay ko.

Nanghihina akong tumayo. Isinuot ko ang tyinelas ko at kahit nahihiya man akong lumabas ay nilakasan ko ang loob ko.

Agad na pinihit ko ang seradura at bumungad sa akin ang labas na walang Antonie na nakangiting sumalubong.

Lumabas ako sa dorm na iyon.

Naglakad lakad ako sa labas hanggang sa may nakita akong bench naupo ako doon.

Isang napakalalim na buntong hininga ang hinugot ko at mabilis na pinakawalan.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa napakalamig na hangin na dumampi sa katawan ko.

Napatingin ako sa mga palad ko. Kamay na sumira sa lahat. Kamay na pumatay sa napakaraming tao.

HALIMAW AKO!

Nawala ang atensyon ko sa tinitingnan ko ng biglang gumalaw ang inuupuan ko.

May umupo sa tabi ko kaya agad na tinignan ko kung sino yun.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang tumabi sa akin agad na inalis ko ang pagkakatingin sa kanya at aaktong tatayo na sana pero napahinto ako sa gagawin ko ng biglang siyang nagsalita.

"Hindi ka lang mamatay tao, manloloko ka pa!" bakas sa mukha at boses nito ang pait na nararamdaman

Naguluhan naman ako sa sinabi niya!

Ako manloloko?

Kailan ko siya niloko?

Kung may manloloko man sa aming dalawa, walang iba kung hindi siya!

Hindi niya tinupad ang mga sinabi niyang paniniwalaan niya at papakinggan niya ang lahat ng sasabihin ko.

"Alam ko naman na ginamit mo lang talaga ako para mapatay mo ang Mom ko at makaganti ka!"
walang emosyon ang boses na sabi niya

Nakayuko lang ako habang nakatingin sa mga kamay kong nakatiklop at nakapatong sa mga hita ko. Hindi nga ako nakatayo pa dahil sa mga panunumbat na sinasabi nito sa akin.

"Hindi mo alam ang lahat!" seryosong sagot ko sa kanya

Pagkatapos kong sabihin yun talagang tumayo na ako. Nilakasan ko ang loob ko upang magawa yun.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon