~Antonie POV~
Nasaan na ba si Isabella?
"Nasaan kana ba Isabelle?" bulalas ko habang hawak hawak ang buhok ko
Tanaw tanaw ko ang bintana at umaasang may Isabelle na lalabas doon.
Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko habang tumatakbo kami patungo sa kubong kinaroroonan daw ni Jade.
Hindi pwede! Hindi pwedeng mapahamak ito sa kamay ni Jade.
Baka kung ano ang gawin niya kay Isabella!
Ilang oras ko ring hinintay si Isabella pero wala ni anino nito ang bumalik sa dorm namin.
Nag aalala na ako!
Baka tumuloy siya sa kubong iyon! Baka talagang nagkita na sila? Pero bakit hindi pa siya bumabalik? Hindi ba niya na kombense si Jade?
Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Kailangan ko ng hanapin si Isabella!
Baka kung napano na siya! Baka kung ano na ang ginawa ni Jade sa kanya.
Demonyo ang babaeng yun! Halang ang bituka! Gagawin niya ang lahat mapatay niya lang si Isabelle! Para siya na ang mahalin ni Devon.
Gusto ko rin naman na mapunta siya kay Devon! Pero mali kasi ang paraan niya para mapasa kanya ito!
Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Isabella hindi ko alam kung nasaan ang kubong sinasabi nito sa akin.
Wala din akong sapat na lakas para labanan si Jade. Alam kong may mga tauhan siya at mag isa lang ako. Hindi ko sila kakayanin.
Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?
Bakit ba kasi hinayaan kong mawala siya sa paningin ko?
Napaupo na lang ako sa sofa at iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin.
May namuong ideya sa isip ko pero nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba ang naiisip ko o hindi.
Siya lang ang taong makakatulong sa amin. Lalong lalo na kay Isabelle.
Alam kong galit siya kay Isabelle pero tiyak akong maniniwala siya sa sasabihin ko. Kailangan din niyang malaman ang lahat.
Agad na tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nagdesisyon ng sundin ang iniisip ko. Labag man sa loob ko kailangan kong tulungan si Isabella. Mahal na mahal ko siya hindi ko kayang tumayo na lang habang nahihirapan si Isabelle.
Kikilos ako. Tutulungan ko siya kahit na labag sa loob ko ang gagawin ko.
Naglakad ako palabas.
Pupunta ako sa kanya!
Lakad...
Lakad...
Lakad...
Lakad...
Hanggang sa matanaw ko na ang dorm niya. Naglakad pa ako.
Lakad...
Lakad...
Ngayon nasa harapan na ako ng pintuan niya.
Mabilis at sunod sunod na katok ang ginawa ko roon.
Agad naman nagbukas ang pinto bumungad sa akin ang nakabusangot niyang mukha. Magulo ang buhok. Naka white T-shirt ito at pajamang asul.
Amoy alak rin ito. Halatang napabayaan na nito ang sarili. Ngunit kahit na ganon ay hindi makikitaan ang mukha niya ng kadungisan dahil napakagwapong lalaki nito.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...