Chapter 51~ Inggit

1.4K 37 3
                                    

~Isabella POV~

Nasa likuran ko na siya!

Hawak hawak pa rin nito ang palakol na kanina niyang dinambot.

Lalo akong kinabahan at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hinila ko ang seradura ng pintuan para magbukas ito.

Halos gibain ko na nga iyon pero ayaw talagang mabuksan.

Hindi ko na pinilit pang buksan iyon nag desisyon na akong lumingon sa kanya.

Nakangiti pa rin ito habang patuloy na lumalapit sa akin.

"Ikaw pa talaga ang pumunta dito! Mabuti! Hindi na ako magsasayang ng oras para hanapin ka." natatawang sabi nito

Kinakabahan man ay kinausap ko pa rin ito.

"Hindi ako magmamakaawa sayo na huwag mo akong patayin o anoman, pero Jade, Please lang pakinggan mo muna ako." naiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya

Agad na huminto naman siya sa paglapit sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Medyo nawala ang kaba ko ng bumalik ito sa kama na kaninang hinihigaan niya.

Umupo siya dito.

"Sige sabihin mo na ang gusto mong sabihin lahat ng gusto mo! Para mapatay na kitang hayop ka!"
galit at may gigil na sabi nito

Tumingin pa ito ng masama sa akin at bahagyang ibinaba ang hawak na palakol.

"Jade!" tawag ko sa kanya dahilan para tignan niya ulit ako diretso sa mga mata ko

"Patawarin mo ako dahil hindi ako naging isang mabuting kapatid sayo. Patawad dahil hindi kita naprotektahan sa lahat ng mga taong nang aapi sayo. Patawad dahil hindi ko nasabi sayong mahal kita. Jade alam kong alam mo ng magkapatid tayo pero biktima lang tayo dito ni Red. Pinaglalaruan lang niya tayo!
Alam kong ikaw ang gagamitin niya para patayin ako.
Siya ang pumatay kay kuya siya ang..."
hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw

"Shut up!" malakas na sigaw nito

Hindi ko napansing tuloy tuloy na pa lang tumutulo ang mga luha ko.

"Simula pa lang hindi na kita tinuring na kapatid! Simula pa lang hindi ko hiniling na protektahan mo ako sa mga taong nang aapi sa akin! Simula pa lang hindi na kita minahal!
Kung talagang minahal ninyo ako dapat hinanap ninyo ako at hindi ninyo hinayaang makasama ang mga taong sumira ng buhay ko." galit na galit na sumbat niya sa akin

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon