Chapter 38~ Babae

1.4K 55 1
                                    

~Isabella POV~

Nagising ako sa napaka ingay na tunog na nagmumula na naman sa mega bass na nasa court nitong paaralan.

Napakapamilyar ng boses na yun dahilan upang sundin ko kaagad ang sinasabi nito.

"Lahat lumabas at pumunta sa court ngayon na!" maawtoridad nitong sabi

Ngayon, ano na naman ang dahilan niya? Bakit lahat ng mga estudyante ay gusto niyang pumunta sa court?

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay may humawak na sa balikat ko dahilan para sandali akong mapahinto at ng tignan ko kung kaninong kamay ang humawak sa akin.

Isang napakalapad na ngiti ang ipinaskil nito sa kanyang mukha.

"Sabay na tayo!" sabi ni Antonie dahilan para mapatungo ako

Agad din naman akong naglakad palabas habang nasa likod ko si Antonie.

Ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa marating namin ang court.

Marami marami parin ang mga estudyanteng natitira.

Nakita ko ang tao na kanina ay nagsasalita ng tuluyan na naming marating ang court ng paaralan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ibang iba na ang hitsura niya at awra nito.

Ibang iba na ito sa nakilala kong Devon. Isang mapait na ngiti ang napakawalan ko.

Nasa taas ito ng stage habang si Red ay nakaupo naman sa likuran niya.

Tutulad na ba siya sa ate niya? Sa ate niyang walang puso!

Ang dating napakaamo nitong mukha ay wala na. Kitang kita sa awra nito ang galit at pagiging walang paki-alam.

Magulo ang buhok nito, bahagyang nakabukas ang polo nito dahilan upang makita ang puting sando nito.

Nawala ang atensyon ko kay Devon ng biglang nagsalita si Antonie.

"Parehas lang sila ng ate niya."
nakangiting sabi ni Antonie dahilan para sumimangot ako.

"Hindi totoo yan!" mahinahon na sagot ko

Agad naman napangiti ng napakalawak si Antonie.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."
seryoso na niyang sabi

Hindi ko na nasagot pa si Antonie dahil nagsalita na si Devon sa microphone dahilan para matuon na sa kanya ang lahat ng atensyon ko.

Napakalungkot ng mga mata nito.

Mata na para bang naghihinagpis at nasasaktan.

"Lahat ng mga babae!" unang sabi nito

Tulad ng dati wala pa rin siyang emosyon bumalik ang ala ala ng una naming pagkikita.

"Ihanda na ninyo ang inyong mga sarili dahil lahat kayo mamamatay! Pero,"
napahintong sabi nito

Agad na tumayo si Red at inagaw nito ang microphone mula kay Devon.

"Maliligtas kayo kapag may isang lalaking magbubuwis ng buhay para sa inyo." pagtutuloy ni Red

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon