~Kasalukuyan~
~Isabella POV~
Nakaupo ako sa malambot na kama.
Nakatingin sa kisame habang iniisip kung tama ba ang gagawin ko?
Nawala ang konsentrasyon ko ng bumukas ang pinto ng kwarto.
Si Devon lang pala umupo siya sa tabi ko at nagpakawala ng napakalawak na ngiti.
Hindi na ito galit sa akin.
Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.
"Lets go?" pagyayaya niya
"Saan?" tanong ko
Hindi siya sumagot at agad na hinigit ang braso ko.
Napatayo naman ako.
Hawak hawak niya ang kamay ko na lalong kinabilis ng tibok ng puso ko.
Dirediretso lang ang lakad namin hanggang sa mapunta na kami sa lugar na pamilyar sa akin.
Kung saan nakalibing ang mommy ni Devon.
Natatandaan ko na ang mga lugar dito sa Demon Academy halos hindi ito nagbago.
Napagdisesyunan nila na dito na ilibing sa loob ng Demon Academy ang nanay nito dahil ito raw ang dahilan ng lahat ng tagumpay ng eskwelahan na ito.
"Hi mom."
nakasimangot niyang paninimulaTahimik lang ako habang pinapakinggan ko ang sasabihin niya.
"You know what?" pagpapatuloy niya
"Nandito na ulit si Lunna! Di ba ikaw ang nagsabi sa akin na ipaglaban ko ang taong mahal ko! sa mga taong nananakit sa kanya."
basag ang boses na pagpapatuloy nitoDahilan para mawalan ako ng lakas ng loob.
"Mom, I'm so sorry kasi pinatay ko si dad, siya kasi ang dahilan kong bakit nasasaktan ang babaeng mahal na mahal ko." pagpapatuloy pa niya
Na halos pumunit sa puso ko
Ako ang dahilan kong bakit siya nasasaktan dahil sa galit ko at sa pride ko.
Nasasaktan ko siya hanggang ngayon.
"Kapag nalaman ko kung sino ang pumatay sayo! papatayin ko siya at pahihirapan tulad ng pagpapahirap niya sayo hindi ko alam kong ano ang dahilan niya kung bakit ka niya pinatay pero hinding hindi ako titigil hanggat hindi ko siya napapatay. Siya ang dahilan kong bakit maraming namatay na inosenteng tao dahil sa galit ni dad." umiiyak na niyang sabi
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Misteri / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...