Chapter 55~ Huwad

1.3K 24 0
                                    

~Someone POV~

Kitang kita ko kung paano patayin ni Devon ang dalawang bantay.

Sa pagkakataong ito hindi na kailangan pa malaman ito ni Red kailangan nilang magawa ang plano nilang mailigtas si Isabella.

Hindi niya pwedeng malamang naaalala ko pa ang lahat kailangan kong mapaniwala siyang wala na ang dating ako. Hindi ko na maalala ang nakaraan.

Dinako ulit ng paningin ko ang kulungang kaninang pinagkukulungan ng dalawa. Wala na ang mga ito roon.

Naiwang wala ng buhay ang dalawang bantay. Kitang kita ko kung paano pagsasaksakin ni Devon ang dibdib ng isang bantay. Hindi pa nga ito tumigil at winakwak pa muna ang leeg ng dalawa bago tuluyang lumabas.

Hindi napansin ng dalawang bantay na plano lang ni Devon at ng kasama nito ang ginawang pananakit ni Devon sa kasama. Agad na tumayo ako at umalis sa pinagtataguan ko.

Malakas ang hangin at parang nagbabantang bumagsak ang ulan.

Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ko ng pasukin ko ang kwarto kung nasaan si Red.

Naglakad ako palapit sa kanya isang ngiti ang pinakawalan niya bilang sagot sa mga ngiti ko.

"Saan ka galing mahal ko?" nakangiting tanong nito sa akin

"Nagpahangin lang ako sa labas!" seryosong sagot ko sa kany

Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad palapit sa akin. Isang mahigpit na pagkakayapos ang ginawa niya.

Iba na siya ibang iba na siya. Wala na ang dating babaeng tunay na minahal ko. Nagbago na siya.

Nilamon na siya ng galit at paghihiganti.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~Isabella POV~

Nagising ako dahil sa malakas na sampal na nararamdaman ko.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko. Sobrang sakit nga ng ulo at mukha ko. Manhid na ito dahil sa ginawa nilang pananakit sa akin.

"Red, gising na siya!" sigaw ng isang pamilyar na boses

Mabilis na natuon ang atensyon ko sa anino ng isang babaeng palapit sa kinaroroonan ko.

Hindi ko nga gaanong maidilat ang mga mata ko. Ramdam ko ang matinding kirot ng mga sugat ko.

"Sa wakas, gising na yang hayop na iyan!" natatawang sagot ni Red

"Maswerte ka at nagising ka pa!" nakangiting saad ni Red pagkatapos nga nun ay mabilis niyang hinawakan ang baba ko upang magkatinginan kami diretso sa mata ng isat-isa

"Anong plano mo Red? Sige, patayin mo na ako! Huwag na huwag mong idadamay si Devon at Antonie!" sigaw na saway ko sa kanya habang hawak parin nito ang baba ko

"Naku, kawawa ka naman! Hindi ko magagawa yun! Hindi ko maipapangako yun!" sarkastikong sagot nito sa akin

Malakas niyang binitawan sa kaliwa ang baba ko.

"Jade! Tignan mo si Isabella! Nagmamakaawa siya! Pakinggan mo!" natatawang tawag nito kay Jade

"Wala akong panahon sa babaeng yan! Bilisan mo para mamatay na yan!" sigaw naman ni Jade sa kanya

Biglang naglungkot lungkutan ang mukha ni Red na animo'y nang aasar.

Hindi ko magawang ikilos ang kamay at paa ko. Nakatali ako sa isang upuang gawa sa metal. Kahit anong gawin ko ngang panlalaban upang makalas ang tali ay hindi ko nga magawa sobrang higpit nito.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon