~Isabella POV~Nakahiga ako ngayon sa kama ni Devon wala talaga akong matandaan kahit pilitin kong matandaan ang mga nangyari sa nakaraan.
Siguro malala talaga ang tama ng ulo ko kaya wala talaga akong matandaan. Wala na akong maalala.
Kung sino ba talaga ako?
Nasaan ang pamilya ko?
Anong hilig ko?
Pero si Devon?
Totoo kaya lahat ng sinasabi niya?
Nagdadalawang isip ako na magtiwala sa kanya may parte ng isip ko na nagsasabing totoo lahat ng sinabi niya at meron ding nagsasabing hindi! at niloloko niya lang ako.Pero hindi ko kailangang magtiwala ng lubusan sa kanya. Wala ni isang dapat na pagkatiwalaan.
Mariin na ipinikit ko ang aking mga mata.
"Lunna?" tawag ni Devon na ikinalingon ko. Nandito pala siya hindi ko siya napansin.
Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya.
Unti unti siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko.
Aaminin ko na nailang ako bigla.
Pero hinayaan ko lang na hawakan niya ang kamay ko.
"Lunna,mmm Isabella o kahit ano pa ang pangalan mo." pagbubukas niya ng usapan
Kaya naman tiningnan ko siya ng maigi
"Gusto ko, na tulungan mo ang sarili mo." pagtutuloy niya sa usapan
"Anong ibig mong sabihin?"
sabi ko sa kanya na parang naguguluhan."Lalaban tayo Isabella! hindi pwede na habang buhay ay nandito lang tayo. I will do everything para makaalis sa lugar na ito!" seryoso niyang sabi
"Kaya ba natin sila Devon? Ang lalakas nila kaya nila tayong patayin lahat!"
seryoso ko namang sagot sa kanya"Hindi ganyan ang nakilala kong Lunna!" mababasa ang galit sa mukha niyang sabi
Binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at saka tiningnan ako ng maigi.
"I have a plan." nakangiti niya ng sabi
Naguguluhan ko siyang tiningnan.
Ano na naman kaya ang plano niya?
"What's your plan?" seryoso kong tanong
Tumayo siya at sinabing...
"We need to prepare! at pagplaplanuhan natin ang lahat mag-eensayo tayong pumatay!"
nakangiting pagpapaliwanag nitoPagkatapos niyang sabihin yun ay tiningnan ko siya ng maigi na akala mo ay nagmamakaawa na ayokong gawin ang bagay na iyon.
"Pe..pe..pero Devon!"
hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla na naman siyang nagsalita
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...