Chapter 54~ Takas

1.4K 28 4
                                    

~Antonie POV~

Nagising ako dahil sa maliliit na patak ng ulan na dumadampi sa mukha ko.

Marahan kong binuklat ang mata ko agad na naglakad ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.

Luminga ako sa kaliwa, malabo man ang paningin ko kitang kita ko pa rin ang lugar kung nasaan ako.

Maraming puno at damo, mukhang nasa likod kami ng paaralan.

Nilingon ko naman ang kanan, nakita ko ang dalawang bantay na nakatayo sa dalawang gilid ng kulungan.

Nasa isa akong kulungan!

Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin pero isa lang ang tiyak ko nasa likod kami ng paaralang ito.

Nilibot ko ng tingin ang buong kulungan kung ako lang talaga ang narito.

Mabilis akong gumapang palapit sa kanya ng makita ko kung sino ang kasama ko.

Nasa bandang itaas ko nga ito kaya hindi ko siya nakita kanina.

"Devon?" mahinang pagsatinig na tawag ko sa pangalan nito habang mahinang niyuyogyog ang katawan nito.

Paulit ulit kong niyugyog ang walang malay niyang katawan

Pero hindi pa rin ito nagkakamalay.

Nakailang ulit ko din siyang niyugyog.

Hanggang sa unti unti ng bumukas ang naka pikit na mata niya.

Hindi niya ako pinansin agad na tumayo siya.

Nilibot ng buong paningin niya ang lugar kong nasaan kami.

Kahit na ganon wala siyang ginawang ingay.

Hindi siya sumigaw. Ang buong akala ko nga ay magsisisigaw ito o hindi naman ay mag aamok ng away.

Napatayo rin ako mula sa pagkakahiga ko at nilapitan siya.

"Devon, anong gagawin natin?"
pabulong na tanong ko sa kanya

Tinignan niya lang ako at saka tumingin sa dalawang bantay na nakatayo sa labas ng kulungang pinagkukulungan namin.

Ilang segundo lang ay bigla siyang umupo sa gilid ng kulungan. Wala naman akong nagawa kung hindi ang titigan siya.

Nakayuko ito habang sabunot nito ang buhok niya. Agad na tumayo rin ito at lumapit sa akin.

"Antonie may plano ako." bulong niya sa akin

Pinakinggan ko naman ang sinasabi niya pero agad naman na nanlaki ang mga mata ko dahil sa plano niyang iyon.

"Pero hindi natin alam kong aayon ba sa atin ang plano mong yun." nagdadalawang isip na sagot ko

Tinignan lang niya ako at hindi na sumagot pa.

Pero kailangan naming subukan kailangan namin makalabas sa kulungang ito.

Tiningnan ko ulit si Devon at isang makahulugang tingin ang ginawa niya.

Lumapit siya sa akin at may ibinulong ito.

"Kung hindi tayo kikilos baka kung ano na ang ginawa nila kay Isabella! Lakasan mo ang loob mo! Antonie!"
nag aalalang sabi niya sa akin

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon