~Antonie POV~Nasaan na ba si Isabella?
Ilang araw na siyang nawawala at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Diyos ko Isabelle saan ka ba nagpupupunta? bulong na tanong ng isip ko.
Ilang araw ko nadin siyang hinahanap.
Ang alam ko ay pumasok lang siya sa kwarto niya na galit na galit.
Hindi ko iisipin na aalis siya dahil wala naman siyang dahilan para umalis.
At bakit naman ito aalis ng walang dahilan pursigido itong mahanap si Liziel.
Pero nagtataka ako. Kung nasaan ba sina Gabriel at Jade?
Ilang araw nadin silang nawawala.
Sana walang nangyaring masama sa kanila.
Nasa kahabaan ako ng corridor ngayon ng Demon Academy.
Wala ng pumapasok at hindi ko alam kung nasaan na ang mga teacher dito.
Napakatahimik ng paligid nilibot ko ang buong Demon Academy umaasang makikita si Isabelle pero wala, hindi ko ito nakita kahit saan.
Hanggang sa nakarating ako sa isang masukal na parte ng paaralan.
Habang naglalakad nga ako ay hindi sinasadyang matapilok ako.
Nasanggi ko ng aking balikat ang mga halaman sa aking gilid
Ganoon nalang ang panlalaki ng aking mga mata ng....
May nakita akong parang....
Lagusan?
Saan kaya ito patungo?
Tumayo ako at iginalaw ko ang dalawang paa ko palapit sa lagusan na iyon ng...
May nagsalita
"Mabuhay o Mamatay?" seryosong tanong nito
Kinakabahan kong hinanap ang may ari ng boses.
ngunit hindi ko siya makita
Inilibot ko ang paningin ko pero halos mga dahon at puno lang ang nakikita ko.
"Nasaan ka magpakita ka?" utos ko dito
"Sa tingin mo kapag nakita mo ako bubuhayin pa kita?" natatawa nitong tanong sa akin
"Umalis ka na dito bago ka tuluyang mapahamak!" utos nito sa akin
Kaya naman ini atras ko ang mga paa ko at tuluyan ng lumayo sa lagusan na iyon.
~~~~~~~~~~~~~~~
~Someone POV~
Napadaan ako sa lagusan na aking binabantayan ito kasi ang daanan palabas ng Demon Academy.
Napansin ko na may patungo doon kaya naman dali dali akong nagtago at saka nagsalita.
"Mabuhay o mamatay?" tanong ko sa kanya
"Nasaan ka magpakita ka?"
tanong niya kaya napatigil ako nagdalawang isip ako kung lalabas ako o hindi.Kaya naman sinabi ko sa kanya
"Sa tingin mo kapag nakita mo ako ay bubuhayin pa kita?" banta ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...