~Liziel POV~
Nasa room kami ng biglang pumasok si Isabella at sa tingin ko may sugat siya sa kaliwang labi niya.
"Isabelle anong nangyayari sayo sino ang may gawa niyan?"
Yun ang kadalasang tawag niya kay Isabella
Galit na galit na tanong ni Antonie sa kanya.Walang sagot...
"Sinong walang hiyang gumawa sayo niyan?"
Galit na galit na tanong ulit ni AntonieWala paring sagot pinalibutan namin siya at hinihintay na sagutin niya ang tanong ni Antonie.
"Ahh..."
Sa wakas nagsalita narin siya."Ahh wala ito." pagpapalusot nito
"Anong wala eh dumudugo ang labi mo!" sambit ni Antonie na nakatikom na ang kamao.
"Ahh ehh!! nakabungguan ko kasi si Devon kapatid ni Ms. Red hindi manlang niya ako inalalayang tumayo.
Pero humingi naman ako ng sorry sa kanya pero sampal ang ginanti niya sa akin hindi ko maintindihan? Totoo ngang masama talaga ang ugali ng lalaking yun bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya." pag amin niya"Sira ulo yun ah makikita niya!!"
galit na galit na tugon ni Antonie habang hinahanda ang sariling tumayo."Wala siyang karapatan na saktan ka Isa kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo ako ang gaganti para sayo. Ang mga walang galang sa babae na katulad niya ay dapat tinuturuan ng leksyon. Dito lang kayo wag kayong sumunod."
galit na galit na pahabol nito.Hindi kami nakinig sa kanya at agad naming siyang hinabol pero nagtago lang kami para hindi niya kami makita.
Dahil kapag nakita niya kami ay siguradong pati kami ay madadamay sa galit niya.
Sinundan namin siya hanggang sa narating na nga namin ang Principal office.
Galit na galit na pinukpok niya ang pintuan ng opisina.
"Buksan niyo to lumabas ka riyan Devon! Babae lang ba ang kaya mo? Wala kang karapatan na saktan si Isabella! Lumabas ka!"
Galit na galit na sigaw ni Antonie habang kinakalampag ang pintuan ng opisina.
Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa lumabas na nga si Devon."Anong problema mo?"
Walang emosyon nitong tanong.Agad na sinuntok ni Antonie ang mukha ni Devon.
Unting unting umangat ang mukha ni Devon na nakangiti?
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng sakit na dulot ng suntok ni Antonie sa kanya ay nagawa parin niyang ngumiti.
At agad nitong pinunasan ang parte ng labi niya na dumugo.
Nagbago ang emosyon nito at kumunot ang noong tinignan si Antonie. Tingin ko ay galit narin ito at anumang oras ay susuntukin niya si Antonie.
"Sino ang nagbigay ng karapatan sa iyo para suntukin ako?"
Kunot noong tanong ni Devon kay Antonie.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...