Chapter 32~ Gabriel

1.5K 40 4
                                    

~Gabriel POV~

Nagising na lamang ako na nasa isang kwarto na ako totoo nga ang sinabi ni Red kahapon. Magigising na lamang kami na nasa isang kwarto na kami.

Walang pinto ni bintana ang kwarto na ito gawa ito sa bakal.

"Mga kasama mag head count tayo para malaman natin kung ilang tayong lahat!" sigaw ng isang lalaki

"one, two, three, four, five......" pagpapatuloy nila sa bilang

"Fifty!" bulalas ko ng pagkakataon ko na upang bilangin ang sarili

Fifty nga kami lahat dito at hindi ako pamilyar sa mga kasama ko hindi ko sila kilala. Wala ako ni isang kilala sa kanila kaya kailangan kong maging maingat.

Umupo na lamang ako sa gilid.

Nasabunutan ko ang aking buhok. Marami na namang mamamatay kinakabahan ako. Ako na yata ang susunod. Hindi na nga ulit ako nagpakita sa mga kaibigan ko gusto kong mapag-isa.

Gusto kong iligtas ang sarili ko dahil walang kasiguraduhan na hindi nila ako tratraidurin. Nagtago ako kung saan saan. Hindi ko alam kung kamusta ba sila o ligtas ba silang lahat. Noong namatay si Cassandra hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Wala ng pag-asa ang buhay ko. Panahon na siguro upang tanggapin ko ang katapusan ko. Hinanap ko nga din si Jade kung saan saan upang makasama itong tumakas sa lugar na ito. Ngunit ni anino nito ay hindi ko na nakita pa.

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Halos lahat ng mga estudyante ay mga nag aalala sa kanilang kaligtasan.

"Paano na tayo ngayon?" histirikal na tanong ng isang babae

Nagulat ako sa isang lalaking bigla nalang na tumayo.

"Kung sinoman ang pumapatay, patayin mo na ako sawang sawa na ako! Sige na, gawin mo na!" halos baliw na sabi niya umiiyak na rin ito

Bigla na lamang siyang natumba napakabilis ng pangyayari hindi ko alam kung ano o sino ang may kagagawan ng pagkamatay nito.

NAPAKABILIS

Hindi ko alam kung saan nagmula ang kutsilyo na ngayon ay nakatarak na sa kaliwang mata ng lalaki na ikinabagsak niya.

Halos mapuno ng sigawan ang buong paligid dahil sa nangyari.

Isang babae na nakatayo ang natumba. Natatarantang nagsilayuan ang ilan sa babae.

Hindi ko maintindihan walang pinto o bintana ang kwarto na ito. Imposibleng nanggagaling ito sa labas. Tiyak ako na isa sa amin ang pumapatay katulad ng sinabi ni Red.

Kailangan ko siyang makita!

Hindi naman ito pinatay sadyang nahimatay lang ang babae dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi niya kinaya ang mga nangyayari kaya naman agad na sinalo siya ng mga lalaki na nakatayo sa likuran niya.

Nang tuluyan ng makahiga ang babae ay pinulsuhan agad ito ng isa sa mga lalaking sumalo sa kanya.

"Wala na siyang pulso!" gulat na sigaw ng lalaki

"Paano nangyari yun?" gulat na tanong ng isang lalaki na tumulong sa pagsalo

"Mukhang inatake siya!" sagot nito

Tiningnan ko ng maigi ang buong paligid ang mga ekspresyon ng bawat mukha nila. Bakas ang pagkadismaya ng mga mukha ng ilan sa nangyari sa babae.

Inikot ko ang buong paningin ko sa buong paligid hanggang sa napansin ko ang isang lalaki na hindi pamilyar.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon