Chapter 43~ Laro

1.5K 40 2
                                    

~ANG LARO~

~Isabella POV~

Hindi ko alam ang gagawin ko!

Dumating na ang araw kung kailan magsisimula na ang laro.

Napaupo ako sa upuan na malapit sa akin. Nawala ang atensyon ko sa iniisip ko ng biglang may nagsalita sa Mega Bass  na nasa court nitong paaralan.

Siya na naman ang nagsalita. Talagang gagantihan niya ako.

Agad na lumabas ako sa kwarto ko nakita ko si Antonie na nakaupo sa sofa.

"Isabelle!" tawag niya sa pangalan ko ng mapansing lumabas ako ng kwarto ko

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Nag aalala ako sayo! Mag iingat ka!"
nag aalalang sabi nito sa akin

Agad naman akong tumungo bilang sagot sa sinasabi niyang yun sa akin

"Kung may mangyari man sayo nandoon ako. Ililigtas kita!" pahabol nitong bulong sa akin

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at tuluyan ng lumabas papuntang court.

Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko ng unti unti ko ng nararating ang court nitong paaralan.

Nakita ko roon ang mga estudyanteng babae na katulad ko ay kasali rin sa laro.

Kinakabahan na pumasok ako sa court na yun. Natuon ang atensyon ko sa stage ng court nakita ko nga doon si Devon.

Napatingin din siya sa gawi ko mabilis na iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Balang araw maiisip niya na ang tanga tanga niya dahil hindi niya inalam kong bakit ko nagawa ang bagay na yun!

Balang araw malalaman mo din ang lahat! Bulong ng isip ko.

Nagsalita ulit ito sa microphone kaya muli akong napatingin sa gawi niya.

"Kung sino sa inyo ang may tatak na 1 sa kanyang batok siya ang dapat na nasa unahan! Ayusin ninyo ang inyong mga sarili kung ayaw ninyong mapabilis ang inyong pagkamatay!"
nakasigaw habang nakangiti niyang pagbabanta sa amin

Naglakad ako patungo sa harapan isang nakakainsultong ngiti ang ginawad ko sa kanya ng magkasalubong ang aming mga paningin.

Isang napakatalim na tingin naman ang isinukli niya sa akin.

Nang makarating na ako sa unahan, Bulungan ng mga babae sa likod ko ang narinig ko.

"Hindi ba siya yung babaeng laging kasama ni Devon?" bulong ng isang babae sa isa pang babae

Napatingin naman ako sa likuran at pinagmasdan ng maigi ang mga babaeng nagbubulungan sa likuran ko.

Agad naman silang napatigil sa pagbubulungan nila ng makita nilang nakatingin ako sa kanila.

"Kung wala kayong magawang dalawa! manahimik kayo kung ayaw ninyong ako ang papatay sa inyo!"
galit na pagbabanta ko sa kanila

Agad naman silang napayuko dahil sa narinig nilang pagbabanta ko.

Nawala ang atensyon ko sa mga babaeng parang bangaw kong mag usap ng biglang nagsalita ulit ang taong may hawak ng microphone.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon