Chapter 60~ Impyerno

1.4K 26 2
                                    

~Devon POV~

Agad kong naingat ang ulo ko galing sa pagkakayuko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Ang boses ngang yun ang nagpabuhay sa halimaw na nasa loob ko. Mabilis na kumulo ang dugo ko. Hayop siya! pagbabayaran niya ang mga kasalanan niya! Pagbabayaran niya ang mga kahayupang ginawa niya. Pagbabayaran niya ang buhay ng mga taong pinatay niya.

Nilingon ng paningin ko ang kinaroroonan niya.

Nilingon ko rin ang kaninang kinatatayuan ni Exikiel pero wala na ito roon.

Tiyak ako na may plano si Exikiel para makatakas kami sa lugar na ito.

Tinignan ko kung sino ang nagsalita malapad na ngiti ang ginawa ng may ari ng boses na iyon sa akin.

"Kapag masamang damo talaga mahirap patayin!" nakangiti at may halong pang iinsulto niyang saad sa akin

Walang emosyon ko lang siyang tiningnan.

"Devon, Devon, Devon! Sayang ka! Kung ginamit mo lang sana ang utak mo! Eh di sana napaghiganti mo ang mga magulang mo! Mahina ka! Mas priniority mo pa ang laman ng puso mo!" sarkastikong sermon niya sa akin

"Nakakatawa lang dahil may mga taong pinipili parin ang laman ng puso kaysa ipaghihiganti ang mga mahal sa buhay na inabuso!" malakas nitong sigaw habang humahalakhak pa

"Siguro pagod kana? Siguro sawa kana? pero patuloy kang lumalaban! Bakit Devon? Sa tingin mo kaya mo ako? Natutuwa ako dahil may sorpresa ako sayo at kapag nakita mo siya tiyak akong matutuwa ka!" nang iinsultong tanong niya sa akin

Agad na nanghina ako sa mga sinabi niya. Bakit ba siya nagkakaganito?

"Siguradong matutuwa ka sa ipapakita ko sayo!" ulit pa nito sabay halakhak ng pagkalakas lakas

Pumalakpak ito ng tatlong beses senyales upang lumabas na ang tinatawag niya.

"Ilabas ninyo ang babae!" sigaw na utos nito sa mga tauhan

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan lalabas ang tinatawag nito.

Si Isabella ang agad na nakita ko nakayuko ito at walang malay. Laylay ang mga braso't kamay.

Bumakas ang ngiti ko ng mapansing buhay siya. Kita kitang ko kasi ng lakas ng paghinga nito.

"Anong ginawa ninyo sa kanya?" malakas ang boses na tanong ko kay Red

"Hindi mo ba nakikita? O sadyang bulag ka lang? Devon! Ayan, at pinahirapan namin ng malaman niya kung sino ang kinakalaban niya!" masayang sagot naman ni Red sa akin

"Hindi ba't ako ang dapat na magalit sa kanya at hindi ikaw! Magulang ko ang pinatay niya at hindi sayo!" malakas na sigaw ko rin kay Red

Sa pagkakataon ngang yun ay nanginginig na ang buong katawan ko sa galit gusto ko siyang sugurin.

"Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko ng mamatay si mom, Devon! Hindi mo alam kung ano ang dinanas kong hirap at impyernong buhay kasama si dad!" nangingiyak na sagot naman ni Red

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya!

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon