Chapter 62~ Bala

1.4K 25 2
                                    

~Devon POV~

Agad na patakbo kong pinuntahan ang lugar kung saan nagpunta si Red.

Tinakbo ko ang masukal na bahagi ng Demon Academy. Halos lahat ng nakikita ko ay mga puno, damo at talahib. Hindi ko alam kung ano ba ang inaapakan ko, kung may pain ba o anomang bagay ang nandito na ikapapahamak ko.

Takbo dito


Takbo doon



Hanggang sa makita at mapahinto ako sa isang gusali. Pinasok ko ito.

Pagbukas ng pinto ay kakaibang amoy ang agad na bumungad sa akin dahil angsangsang ng amoy dito.

Mabilis na tinakpan ko ng braso ang aking ilong upang kahit papaano ay mabawasan ang masangsang na amoy na naaamoy ko.

Ang dilim! wala akong makita na kung ano.

Tanging liwanag lang ng buwan sa labas ang tumatanglaw sa akin.

"Teka kakaiba ang lugar na ito!" inis na sabi ko sa sarili

Ang baho talaga ng amoy dito parang patay na daga!

Isa pa sa naamoy ko ang pamilyar na amoy. Ang amoy ng patay na tao!

Ganon nalang ang inis na nararamdaman ko ng may maramdaman na parang may mga maliliit na kung anong gumagapang sa paahan ko.

"Hayop ka Red lumabas ka! Magpakita kana!" inis na sigaw ko

Pero parang walang pumapansin sa akin at wala ding sagot akong narinig mula sa kanya o sa kung sinomang tao ang kasama ko rito.

"Red ibigay mo sakin si Isabella!"
sigaw ko ulit

Rinig na rinig ko ang echo ng aking boses hanggang sa agad na napalingon ako ng may naramdaman akong tumakbo sa bandang likuran ko.

"Red huwag mo na akong paglaruan pa, hayop ka! Lumabas kana! Huwag mong sabihin sa akin na natatakot ka! Huwag mo akong gawing tanga!, Red! Lumabas kana!" naiinis ko na namang sigaw at muling umalingawngaw ang boses ko sa buong paligid

Ngayon naman ay napalingon ako sa kaninang kinahaharapan ko ng may maramdaman na namang may tumakbo doon.

Naglakad ako!


Lakad






Lakad







Lakad




Ng....






Bigla nalang nagbukas ang mga ilaw dahilan upang agad na mapapikit ako.

"Sino ka magpakita ka!" maawtoridad na utos ko

Nang tuluyan ko ng maimulat ang aking mga mata ay ganon nalang ang gulat at pagkadismaya ko.

Ang daming mga bangkay ng tao rito!

Nasa bungad ako ng isang kwarto malapit sa pintuan hindi pa ako gaanong nakakapasok pero kitang kita ko kung ano ang nasa loob ng kwartong sana ay papasukin ko.

Mga mag aaral at puro wala na itong mga buhay para itong isang bodega at ang mga nakalagay doon ay mga patay na mga tao.

May narinig akong mga yabag dahilan para mapalingon ako sa pinanggagalingan noon.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon