Chapter 14~ Paghihiganti

2K 46 0
                                    

~Third Person POV~

Nakaupo ngayon ang isang babae sa sofa na matatagpuan sa kanyang malaking kwarto.

Hindi nagtagal ay naglakad ito at dumungaw sa napakalaking bintana na makikita sa kanyang kwarto.

"Marami akong balak. Marami akong gustong gawin. Marami akong gustong patayin." kausap ang sarili habang hawak ang isang basong may lamang alak.

"At sisimulan ko ang mga plano ko kay Liziel." nakangiting saad nito.

Agad na kinuha niya ang sigarilyong nakapatong sa ashtray. Nasa gilid ito ng kanyang lamesa.

Hinigop niya ito at isang makapal na usok ang kanyang nagawa matapos magbuga ng hangin gamit ang kanyang bibig.

Nakangiti ito habang iniisip ang mga planong nabubuo ng kanyang isipan.

"Dinala ko sila rito para mamatay." nakangiting bulong nito sa sarili

Unti unting nagbago ang ekspresyon nito ng balikan ang ala ala ng kanyang nakaraan.

Galit na ang nararamdaman nito.

"Napakasakit ng ginawa nila sa akin. Kailangan na nilang magbayad! Panahon na ng aking paniningil!." gigil na gigil na saad nito

Humigpit ang pagkakahawak nito baso. Hinigop ulit nito ang kanyang hawak hawak na sigarilyo. Matapos maibuga ang usok nito ay tinignan niya ang hawak na baso at marahan itong inikot ikot at agad ulit na ininom ang alak na laman nito.

"Masarap pala sa pakiramdam na unti unti narin akong nakakapaghiganti sa mga taong nang api at nang alipusta sa akin." agad na humalakhak ito na animo'y nababaliw na.

"Isabella ikaw ang isusunod ko! Mamamatay ka sa mga kamay ko." tuloy tuloy na pagsasalita nito kahit wala naman itong kausap

"Para akong diyos na kumukuha ng buhay. Gustong gusto ko ang paraan ng pagmamakaawa nila sa akin." muling pagsasalita nito

Ngumiti ito ng nakakaluko at saka naglakad papalapit sa kanyang computer na nakapatong sa kanyang lamesa at saka tiningnan nito kung ano ang nangyayari sa kwarto kong nasaan si Liziel.

Muling gumuhit ang napakalapad na ngiti sa kanyang mukha ng makita kung ano ang nangyari sa mga estudyanteng naroon.

"Para silang mga daga na hindi alam kung ano ang gagawin at kung saan lalabas para takasan ang mga gagawin ko sa kanila." humalakhak na saad nito

"Pero sorry nalang sila dahil diyan na sila mamamatay at diyan narin sila uuorin." parang nababaliw na pahabol nito.





















Vote and Comment

Thank you so much

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon