Epilogue~ Pagtatapos

3.2K 65 14
                                    

~Devon POV~

"Devon, let's go!" pagyayaya ni Exikiel sa akin

It's been 1 year since Isabella past away.

Pero nandito parin ang sugat na dulot ng pagkawala niya at sakit na tanggapin na wala na talaga siya.

Isang matamis na ngiti ang iginanti ko kay Exikiel sabay tungo para sang-ayunan ang gusto niya.

Agad na lumabas kami sa mansyong tinitirahan namin.

Nanalo kami sa kasong kinaharap namin. Napawalang sala kami dahil sa mga ebidensyang inilabas ni Exikiel sa hukuman.

Binuksan ng driver ang pintuan ng kotse.
Agad naman kaming pumasok.

Ng tuluyan ng maisaayos ang lahat. Nagtanong ang driver kung saan kami pupunta.

"Sir, saan po tayo?" nakangiting tanong nito sa amin

pero bago pa man sagutin ni Exikiel ang driver ay sumulyap muna ito sa akin.

"Are you ready?" seryosong tanong nito sa akin

Isang tungo lang ang isinagot ko sa kanya.

"Cemetery tayo Manong!" seryoso nitong sagot sa matanda

Agad naman akong napasulyap kay Exikiel. Kinakabahan ako, nalulungkot man ay kailangan ko tong gawin kailangan kong matupad ang hiling niya.

"For sure, Devon pagkatapos ng araw na ito magiging masaya ka!" nakangiting saad ni Exikiel sa akin

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya

Hindi siya sumagot. Naguguluhan man ay hindi ko nalang siya pinansin pa.

Ilang oras din ang inabot namin upang marating ang sinasabing sementeryo ni Exikiel.

Tahimik lang ako, wala akong ganang makipag usap kanino kahit na kay Exikiel. Matapos ang huli naming pag uusap ay hindi na ako naglakas ng loob upang magsalitang muli.

"Nandito na po tayo mga sir!" masayang bungad ng matanda matapos ihinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

Walang mga sasakyan at halos puro puntod lang ang makikita dito.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan ng kotse nadama ko ang priskong hanging dumadampi sa mga balat ko.

"Devon!" tawag ni Exikiel na ikinabalik ng ulirat ko

"Tara na?" nakangiting pagyayaya niya sa akin

Mabilis naman akong sumunod sa kanya.

Ilang metro din ang nilakad namin dahil malawak ng sementerong ito.

"Where here!" sigaw ni Exikiel sa akin

Tiningnan ko lang siya at agad na napansin ang malaking puno katabi ng puntod ni Isabella.

Agad na binasa ko ang pangalang nakasulat sa lapidang iyon umaasang baka hindi niya pangalan ang nakasulat.

"Isabella Segovia"
nadismayang pagsatinig ko ng pangalan niya

Hindi ko na pansin na nakaluhod na pala ako sa puntod niya.

Napansin ko rin ang mga luha na sunod sunod na tumulo sa aking mga mata.

Totoo ngang wala na siya! Patay na siya!

Wala na akong nagawa kung hindi ang linisin nalang ang mga alikabok na nagpapadumi sa kanyang lapida.

"Akala mo siguro patay na nga talaga ako no?" boses ng isang pamilyar na babae ang narinig ko

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon