~Antonie POV~
Nagsimula ulit kaming maglakad ni Devon. Habang naglalakad nga ako ay panay ang tingin ko sa kaliwa at kanan. Naniniguro na walang biglang susugod sa amin.
"Antonie!" tawag ni Devon sa pangalan ko sabay hinto. Napahinto rin ako at nagdesisyong tignan din ang tinitignan nito
Nalula nga ako sa mga bantay na nasa harapan namin.
Ang dami nila. Paano kami makakatakas sa kanila?
"Devon! Hindi na tayo makakatakas sa kanila, ang dami nila!" bulong ko sa kanya
Kumunot naman ang noo nito.
"Natatakot kaba?" seryosong tanong nito sa akin
"Aba!" hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi pero mukhang hindi naman siya maniniwala sa akin
"Natatakot kaba?" iritadong ulit na tanong niya
"Aba, sinong hindi matatakot eh ang dami nila! Papatayin nila tayo!" natatakot na bulong ko sa kanya
"So, sinasabi mong sumusuko kana kay Isabella?" sarkastikong tanong nito sa akin
"Anong pinagsasasabi mo? Hindi mangyayari yun no! Ibang usapan naman kasi ito!" seryosong sagot kong pabulong sa kanya
Bahagya naman itong ngumiti. Mabilis na naman nitong kinuha ang patalim na nakatago sa kanyang bulsa.
Bahagya akong lumapit sa kanya. Tinikom ko na naman ang aking kamao at hinarang ito sa aking mukha.
Sumugod ang ilang bantay sa amin. Isang malakas na suntok ang ginawa ko sa lalaking sumugod sa akin.
Sinuntok ko siya ng paulit ulit ngunit natigilan ako sa ginawa ko ng biglang may humawak sa kamay at braso ko.
Ang kaninang lalaking sinusuntok ko ay tumayo at siya naman ang sumugod sa akin. Hindi ko magawang gumanti dahil may lalaking humawak sa kamay at braso ko.
"Bitawan mo ako duwag!" sigaw ko sa lalaking gumapos sa braso't kamay ko
Hindi nito ako pinakinggan. Isang malakas na suntok ang natanggap ko mula sa lalaking sinusuntok ko kanina.
"Hayop ka! Ito pang sayo!" sigaw niya habang paulit ulit akong pinagsususuntok
Saglit itong huminto at saka may dinukot sa kanyang bulsa.
Ganon na nga ang hilakbot na naramdaman ko ng tuluyang makita ang bagay na inilabas niya.
Patalim!
Pumalag nga ako upang makatakas sa lalaking gumagapos sa akin pero hindi ako makatakas mula dito.
"Katapusan mo na!" malakas na sigaw niya na kinapikit ko
Halos mawala ang ulirat ko ng marinig ulit ang sunod sunod na tunog ng baril.
Hinintay ko nga na maitarak ng lalaki ang patalim nitong hawak sa akin. Pero wala akong naramdaman.Idinilat ko ang mata ko at ganon nalang ang gulat ko ng makitang nakahiga na ito.
Napabitaw din ang lalaking kaninang gumapos sa akin ng maramdaman ko ring may dumagan sa likuran nito.
Nang makita ko nga ang lalaking kaninang gumapos sa akin ay nakahiga na ito at naliligo sa sarili nitong dugo. Nagmumula nga ang dugo nito sa kanyang leeg.
"Kahit kailan talaga ang hina mo!" seryosong sermon ni Devon sa akin
Napatingin ako sa likuran niya lahat ng mga bantay na nakaharang kanina ay napatumba niya.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...