~Isabella POV~
Nakarating na nga kami nina Liziel at Jade sa court.
Ng makapasok nga kami sa court ay agad kong nakita si Devon seryosong nakatingin ito sa akin.
Sa dinami rami nga ng una kong mapapansin at makikita, siya pa ang nakakuha ng atensyon ko.
Nakasuot ito ng itim na tuxedo.
Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa taglay niyang kagwapuhan.
Ang makakapal niyang kilay, ang mapula niyang labi ang medyo singkit niyang mata ang makinis niyang balat.
Agad na inalis ko ang pagkakatama ng aming mga mata at ibinaling ito sa ibang parte ng lugar kung nasaan kami ngayon.
dahil kahit na mala anghel ang kagwapuhan nito,
Hindi ko parin alam ang mararamdaman ko sa kanya. Kung maiinis ba ako o magagalit ba ako dahil sa mga nangyayari.
Nagsimula ang party. Ang lakas ng tugtugan ngunit parang wala namang nagsasayang estudyante. Sino ba naman ang sasaya sa walang kwentang party na ito?
Umupo ako sa tabi.
wala akong gana na sumayaw at magsaya.
Ako lang mag isa sa lamesang kinauupuan ko.
May mga naglalakad na waiter.
lumingon ako sa paligid at napansing may mga umiinom.
kaya naman tinawag ko ang waiter at humingi ng wine.
Red wine nga ang pinamimigay ng mga ito hindi ko na nga inisip kong may lason ba o kung ano man ang nailagay sa wine na yun basta agad ko nalang itong ininom.
Kung tatanungin niyo ako, wala dito ang mga kaibigan ko.
Humiwalay muna ako sa kanila, nagtago muna ako. Gusto kong mapag-isa kahit sandali lang.
Ang isang baso ay nadagdagan pa...
habang nakaupo ako at patuloy na nagpapakalasing
Nagulat ako ng..
May nagsalita sa Mic sa kinagulat ko.
napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat na naramdaman ko.
Si Red lang pala!
"Hikk! hayop ka!!" nabulalas na sigaw ko. Hindi ko nga napigilan ang sarili kong sabihin yun.
Dahil sa huminto nga ang tugtog ng magsalita siya, tumahimik ang paligid. Kaya rinig na rinig ang pagsigaw ko.
Bumakas sa mukha nito ang biglang pag ngiti.
"Good Evening sa lahat! Nais ko lamang sabihin sa inyo na hindi matatapos ang gabi na ito na walang masayang magaganap."
Pagkatapos nitong magsalita ngumisi ito ng nakakaluko na talaga namang kinaasar ko.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
Tumayo ako at naglakad papalayo sa pwestong kaninang kinauupuan ko.
Gusto ko ng umuwi, magpapahinga na ako.
Ng....
Bigla akong natumba.
Nahihilo ako...
Muli akong tumayo at ng nakatayo na nga ako naglakad ako ng paika ika.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...