Chapter 64~ Sukli

1.5K 25 1
                                    

~Devon POV~

Patay na siya!

Unti unti akong lumapit sa kanya.

"Jade!" tawag ko rito pero hindi na siya sumasagot

Niyugyog ko ang katawan niya. Dahan dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata.

Isang maamong ngiti ang pinaskil nito sa kanyang mukha.

"De-Devon! Patawarin mo ako! Nagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil sa pagmamahal ko sayo! Mahal na mahal kita! Diba sinabi ko naman sayo na gagawin ko ang lahat!" umiiyak na paghingi nito ng tawad

"Patawarin mo rin ako kung hindi ko nasuklian ang pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin!" umiiyak na paghingi ko rin ng tawad sa kanya

Mabilis na hinawakan nito ang kanang kamay ko.

"Devon, Matagal na kitang napatawad! Kahit hindi ka pa humingi ng tawad sa akin, napatawad na kita!" umiiyak paring saad nito

Malakas itong umubo kasabay nun ang malapot na pulang likidong lumabas sa kanyang bibig.

"Hindi na ako tatagal, Sana kahit sa huling pagkakataon ay napakita kong mahal na mahal kita!" ngumingiting sagot nito

Isang maamong ngiti ang pinaskil ko sa aking mga mukha.

"Salamat, Jade! Sana ay mapatawad mo ako!" mahinang bulong ko

Niyakap ko siya. Matapos nun ay rinig ko ang paghabol niya ng kanyang hininga bago tuluyang mawalan ng lakas ang mga braso.

Binitawan ko siya agad na dinako ng atensyon ko kung saan nakatayo pa rin si Red.

Nakangiti pa rin itong nakatingin sa akin.

"Marami pa bang mamatay ng dahil sayo? Mamatay sa kaliligtas sayo?"
natatawa niyang tanong sa akin

Galit na galit ko siyang tinignan.

"Ngayon, sa pagkakataong ito wala na sigurong tangang iaalay ang buhay para sayo." seryoso niyang sabi

Siguro nga wala na! Wala na dahil patay na silang lahat.

"Ikaw nalang palagi ang magaling! Ikaw nalang palagi ang mabait! Ikaw palagi ang mapagkakatiwalaan sa mata ng mga magulang natin kahit na lahat ng magagandang bagay ay ipinakita ko na. Ngayon panahon na para sumunod kana sa kanila!"
Gigil pero nakangiti niyang sabi agad na naman niyang itinutok ang hawak niyang baril sa akin.

"Mamatay kana!" nanggigigil na sabi nito sa akin

Muling naipikit ko na naman ang mga mata ko.

Ngunit ilang segundo pa ang hinintay ko pero wala akong narinig na putok ng baril.

Hindi ko siya kayang saktan kahit na napakarami niyang nagawang mali sa akin ay ate ko parin siya.

Hindi ko na yata magagawa pa ang sinabi at ipinangako ko kay Isabella.

Muli kong naidilat ang mga mata ko at agad na nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at nasaksihan

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon