Chapter 15~ Nakaraan

2.1K 51 0
                                    


~Liziel POV~

Nagising ako dahil sa mga iyak na naririnig ko.

Iminulat ko ang mga mata ko nandito parin ako sa lugar kung saan kami ikinulong ng taong inakala kong kaibigan.

Akala ko panaginip lang ang lahat.

Nawawalan na ako ng pag-asa mamamatay na ata talaga ako sa lugar na ito. Walang bakas ng tulong akong nakikita. Walang sumisilay na pag-asa.

Bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito sa amin?

Anong kasalanan ko?

Muling nag flash back sa akin ang mga nangyari tatlong taon na ang nakalilipas.

Isang tao ang nagtiwala sa akin ng kanyang tinatago tagong sikreto.

Kinaibigan ko ito dahil sa dare ng mga barkada ko. Ang iba nga sa mga ito ay hindi ko pa kilala.

Nagkatuwaan kasi kaming maglaro ng truth or dare.

Hanggang sa ako na nga ang taya.

"Sino ang crush mo sa mga classmates natin?" tanong ng isa sa mga lalaki kong kaibigan

Dahil nga kaibigan ko na ng mga panahong yun si Antonie, at siya lang naman ang lalaking nagpapatibok ng puso ko hindi ko pinili na sabihin ang totoo. Tiyak akong aasarin nila ako kapag nalaman nilang si Antonie ang nagustuhan ko. Mas nauna pala akong nakilala ni Antonie kaysa kay Isabella kaya hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit siya pa ang nagustuhan nito.

"Dare!" nakangiti kong sagot habang ngumunguya ng buble gum

Agad na nagtawanan naman sila.

"Okay, kaibiganin mo ang weirdo nating classmate. Alamin mo ang pinakatatagong sekreto niya at sabihin mo ito sa amin." utos ng isang babae na kasali sa laro

Kilala ko ang tinutukoy nito. Mukhang madali lang naman ang pinapagawa nila kaya lakas loob akong sumang-ayon.

"deal!" nakangiti at mayabang kong sagot.

Weirdo naman kasi ito.

May makapal na salamin sa mata at palaging nakayuko na animo'y nahihiya. Wala ni isang estudyante ang gustong makipag kaibigan at makipag kwentuhan sa kanya.

Sumunod na araw nga ay ginawa ko ang pinag uutos nila sa akin.

Nilapitan ko at sinimulang kausapin ang tinutukoy nilang weirdo naming kaklase.

Noong una ay ilag ito sa akin ngunit ng tumagal ay palagi na kaming magkasama.

Hindi nga nagtagal ay nagkapalagayan kami ng loob.

Mabait pala ito at masayahin ibang iba sa nakilala naming siya.

Isang araw nga ay napag desisyunan kong gawin na ang binabalak ko.

Dinala ko nga ito sa Library wala pa kaming pasok ng mga panahong iyon dahil sa maaga kaming pumasok na dalawa. Hindi ko nga muna inusisa ang mga sikreto nito.

Nagbukas muna ako ng ibat-ibang topic hanggang sa naipasok ko na sa usapan ang mga sikreto ko sa buhay.

Maya maya ay tinanong ko na siya. Kinakabahan pa nga ako na baka hindi ito mag share ng mga sikreto niya.

"Ginahasa ako noong labing dalawang taong gulang ako!" malakas ang loob na pag- amin nito sa akin

Nabigla nga ako sa sinabi niya. Umaasa kasi akong iba ang sasabihin nito sa akin.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon