Chapter 40~ Maghihintay

1.4K 38 1
                                    

~ANG TOTOONG NARARAMDAMAN~

~Isabella POV~

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng aking kama habang nakadungaw sa bintana. Kitang kita ko ang kapayapaan sa labas.

Ilang araw narin matapos ang nangyaring pagbabanta sa buhay ko.

Hindi ko mapigilang hindi maisip ang mga sinabi ni Devon sa akin.

Hindi na nga kami nagkita ulit ni Devon.

Nag desisyon akong maglakad sa labas. Ng makalabas ako sa aking kwarto hindi ko nakita si Antonie. Malamang ay nagpapahinga pa ito sa kanyang kwarto.

Ng makalabas ako ay umupo ako sa upuang nasa tapat ng dorm namin.

Ilang minuto akong nagmasid. Wala ni isang mga estudyanteng nagdaraan.

Naalala ko tuloy ang masasayang mukha ng mga estudyanteng dating nagdaraan dito.

Masayang naghahabulan, nagtatawan, nagkwekwentuhan, naghahalakhakan at higit sa lahat..

Hindi ko naituloy ang iniisip ng biglang may kung sinong tumabi sa akin.

Si Antonie ito nakangiti habang tinitignan ako.

Naiinis ako sa kanya kasi kahit anong pilit kong pagpili kay Devon ako pa rin ang paulit ulit nitong pinipili.

"Bakit ba si Devon pa?"
nakangiti niyang tanong

Alam ko ang mga ngiti na ipinapakita niya ay ngiti ng sakit.

"Anong sinasabi mo Antonie?" pananaway ko rito

Nainis ako sa pagbukas nito ng usapan.

Nakatingin na ito sa kawalan.

Nakatingin naman ako sa kanya.

"Noong isang araw, bakit napagkamalan mong ako sa Devon? Hindi mo ba ako nakilala agad?" panunumbat nito

Bumuntong hininga ako dahil alam ko kung saan mapupunta ang pinag uusapan namin.

"Antonie naman, kung napagkamalan kitang si Devon, Sorry! malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang humarang sa mga mata ko!" pagpapatuloy ko

"Hanggang kailan mo siya iisipin? Hanggang kailan siya importante sayo?" seryosong tanong nito sa akin

Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis na tumayo at agad ko siyang tinalikuran at nagsimula ng humakbang.

Agad din naman akong tumigil sa paghakbang ng may humawak sa balikat ko.

Nilingon ko siya at agad na tinignan ito diretso sa mga mata niya.

"Sagutin mo ako!" seryoso nitong utos

Tinanggal ko ang kamay nito sa balikat ko.

"Antonie, Please kung gusto mo ng away wala ako sa kondesyon para patulan ka!" naiinis ko ng saway sa kanya

Hindi ko siya maintindihan. Agad na tumalikod ako at nagsimula na namang maglakad pero agad na humarang siya sa daraanan ko.

"Pwede naman na ako nalang! bakit ba Isabelle hindi mo makalimutan ang lalaking yun? mas pinipili mo pa ang lalaking may kapatid na mamatay tao at sumira sa lahat! Mas pinipili mo pa ang lalaking papatay sayo!" nakasigaw na niyang bulyaw sa akin

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon