~Isabella POV~
Isang napakalakas na katok ang ginawa ni Antonie mula sa Principal Office.
Agad na may lumabas roon na isang lalaking naka mask.
Malaki ang katawan nito matangkad at maputi rin ito.
"Anong kailangan niyo?" seryoso nitong tanong sa amin
"Si Red?"walang modong tanong naman ni Antonie na parang kinainis ng lalaki
Nang muling sasagot na sana ang lalaki ay may boses na nagmula sa loob ng kwarto ang sumagot.
"Papasukin mo sila!" mahinahon nitong utos sa lalaki
Agad naman na umalis sa harapan namin ang lalaking kaninang nakaharang sa pinto. Malawak na espansyo ang humarap sa amin.
Tumambad si Red habang nakatalikod sa amin nakatingin siya sa bintana. Pinagmamasdan nito ang mga nangyayari sa labas.
Pinagmasdan lang namin ang likuran niya hanggang sa kusa na itong humarap sa amin.
"Anong kailangan ninyo?" inis na tanong nito sa amin
Halata sa boses niya ang matinding inis at pagkairita ng tuluyan na kaming makita ni Antonie.
Hindi ba niya alam na mas naiirita kami sa pagmumukha niya?
"Ayan! Mabuti at kayo na ang magkasama! Mas maganda sa mata. Mas magandang kasama mo yang duwag na yan kaysa sa kapatid ko!" natatawa na pangiinsulto nito kay Antonie
"Nasaan si Jade?"
maowtoridad na tanong ni Antonie dahilan para mapatingin ako dito.Seryoso itong nakatingin kay Red.
"At bakit niyo naman sa akin hinahanap ang walang kwentang babaeng yun? Hanapan ba ako ng mga basura?" pang aasar na sagot ni Red kay Antonie
Natuon naman ang atensyon ko sa kanya.
"Alam ko at alam nating lahat na ikaw ang nakakaalam kung nasaan siya."
seryosong sagot ni AntonieHindi naman agad nakasagot si Red sa sinabi ni Antonie.
Naglakad ito papalapit sa amin at tiningnan kami mula ulo hanggang paa.
Matapos gawin yun ay diretso niya kaming tinignan sa mata na animo'y nandidiri ito sa amin.
"At sa tingin mo kung alam ko, sasabihin ko sayo kung na saan siya?"
sarkastiko nitong tanong kay AntonieNapangiti na lamang ako ng nakakainsulto dahilan para mapadpad ang atensyon niya sa akin.
"Anong nginingiti ngiti mo?"
nagtatakang tanong nito sa akinHindi ko na siya pinansin pa. Alam kong kahit anong pilit namin ni Antonie ay hindi nito sasabihin sa amin kung na saan si Jade.
"Tara na Antonie."
nakangiting pagyayaya ko kay Antonie
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Детектив / ТриллерPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...