Chapter 63~ Huling sandali

1.4K 21 0
                                    

~Devon POV~

Agad na bumulagta si Isabella sa sahig.

Patakbo ko siyang nilapitan upang sana ay saluhin, pero hindi ko na nagawa dahil mabilis siyang natumba.

Hindi ko mapigilang hindi masabutan ang sarili kong mga buhok dahil sa kabang naramdaman. Mabilis kong binuhat ang ulo nito at inilipag sa aking kanang binti.

Hindi ko mapigilang hindi tumulo ang aking mga luha. Mabilis itong kumawala sa aking mga mata.

Kasalanan ko ito!

Kasalanan ko!

Walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako!

Hinaplos ko ang maamo niyang mukha.

"Isabella, please lumaban ka! Sorry kung pinaniwalaan ko si Red, sorry kung hindi kita nailigtas. Patawarin mo ako!" umiiyak na paghingi ko ng paumanhin

Niyakap ko siya. Nakapa ko ang malapot na pulang likidong nanggagaling sa kanyang likuran.

"Isabella!" umiiyak na tawag ko rito

Umigting ang kaba ko ng mapansing hindi na gumagalaw si Isabella. Malakas kong inuga ang balikat nito.

"Isabella! Please!" umiiyak paring tawag ko sa pangalan nito habang patuloy ko paring inuuga ang balikat nito

Nawala ang kabang nararamdaman ko ng magmulat ito ng mga mata niya.

Isang maamong ngiti ang pinakawalan niya dahilan para lalong mabasag ang puso ko. Sumikip ang dibdib ko sa mga ngiting ipinakita niya sa akin.

Pilit na kumakawala ang mga dugo galing sa bibig nito.

Agad na hinaplos niya ang pisngi ko.
Dahilan para hawakan ko ang malambot niyang kamay.

"Hanggang dito na lang yata ako Devon!" mahina at nalulungkot na sabi nito sa akin

"Shhhh! Huwag mong sabihin yan! Mabubuhay ka pa Isabella huwag kang magsalita ng ganyan!" naiiyak pa rin na sagot ko rito

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya dahilan para kabahan ako ng husto.

"Please! Isabella, lumaban ka hindi ko kayang mawala ka! Minsan ka ng nawala sa akin and this time hindi ko na papayagang mangyari ulit yun."
patuloy paring pumapatak ang mga luha ko

"De- De- Devon!" nauutal na tawag niya sa akin

Agad na binaling ko lalo ang atensyon ko sa kanya.

Hindi ko na pinansin pa ang mga nangyayari sa aking paligid.

"Mahal kita! Hindi ko na kaya, Pagod na ako! Pero sana kahit wala na ako patuloy kang mabuhay mahal na mahal kita." nalulungkot na sagot niya

"Please! Isabella, lumaban ka mahal na mahal din kita! I love you so much; I can't bear the thought of losing you again. I can't continue my life without you!" tuloy tuloy pading umaagos ang mga luha ko

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon