~Antonie POV~
Hindi ako mapalagay sa mga naiisip ko na mangyayari.
Nararamdaman kong parang may mangyayaring masama.
Sana nasa ayos lang si Isabella.
Hindi ko na hihintaying mapahamak siya sa kamay ng Devon. Ililigtas ko si Isabelle.
Hayop siya paano niya nagagawa ang mga bagay na ito sa babaeng walang ginawa kung hindi ang mahalin siya ng totoo?
Agad na tumayo ako sa sofang kina uupuan ko at naglakad palapit sa isang maliit na lamesa kung nasaan nakalagay ang frame na may picture ni Isabella.
Agad na kinuha ko ito at mahigpit na niyakap.
May nakapa akong matulis sa bandang likuran nito dahilan para mabitawan ko yun at mabasag.
"Shit!" nagulat na sabi ko
Hindi ko na yun inayos pa at diretso na akong naglakad palabas. Nagmamadali akong nagpunta sa court kung saan naroon ngayon ang sinasabi nilang laro.
Nang makarating ako doon agad na hinarang ako ng mga guwardiya.
"Saan ka? Bawal pumasok dito." naiinis na saway nito sa akin
"At bakit bawal?" walang emosyong tanong ko sa kanila
Hindi pa man siya nakakasagot ay inunahan ko na siya.
"Makikipagpalit ako, ako na ang lalaban para kay Isabella."
galit na bulyaw ko sa isa sa mga guwardiyaHindi na siya nag abala pang sumagot agad na niyang binuksan ang gate at pinapasok ako.
Tumambad sa akin ang mga babaeng nakatalikod at abalang pinapanood ang nangyayari sa harapan.
Sumiksik ako para makita ko kung ano ang nangyayari sa harapan.
Agad na nanghina ako sa mga nakita ko.
Si Isabella nakahiga na at may sugat siya.
Patuloy itong nagdurugo!
Hindi agad ako nakalapit dahil may mga lalaking humarang sa akin.
Napatingin ako sa harapan kung na saan si Devon.
Galit na galit itong tumayo sa pwesto nito. Mabilis naman siyang pinigilan ng pamilyar na babaeng katabi nito. Hindi nito tuluyang napigilan si Devon. Diretsong pumunta ito sa loob ng kulungan pero bago yun ay sumigaw muna ito.
"Hindi pa siya tuluyang natatalo! makikipagpalit ako! Ako na ang lalaban para kay Isabella!"
walang emosyong sigaw nito"Devon? Nahihibang ka na ba talaga?" saway ni Red sa kanya
Hindi niya ito pinakinggan. Agad na pinapasok siya sa loob at mabilis na kinuha niya ang kaninang nasa sahig na espada at walang ano ano'y sinaksak nito ang babaeng kalaban ni Isabella.
Napahiga ito katabi ni Isabella.
Kumaripas ako ng takbo para pumasok sa loob ng kulungan agad na sinuntok ko si Devon.
"Kasalanan mo ito!" galit na galit na sigaw ko dito
Iniangat lang niya ang ulo niya at walang emosyong tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...