Chapter 23~ Rebelasyon

1.7K 44 0
                                    


~Unang Rebelasyon~

~Flash back~

~Isabella POV~

"Kailangan ba nating gawin to Lunna?"
tanong sa akin ni kuya

"Yes" walang emosyon kong sagot

"Pero, siya ang nanay ni Devon."
natatawang sagot ni kuya

"I don't care!" galit na sigaw ko sa kanya

Ngumiti ng napakalapad si kuya.

"Lunna, baka naman sineseryoso mo na si Devon? Tandaan mo ang lahat ng ginagawa natin ay kasinungalingan lang! Drama lang!" seryoso na sabi ni kuya

"Yeah right"
walang emosyon na sagot ko

Para mas mapalapit kami sa pamilya nila at magawa namin ang plano namin. Kinuha namin ang loob ng dalawa at pina-ibig ang mga ito sa amin. Sa akin si Devon at kay kuya naman si Red.

Pero...

Hindi na yata ako aayon sa plano na sinasabi ni kuya.

Siguro mahal ko na si Devon.

Pero kung iisipin ko ang ginawa ng mga magulang niya sa mga magulang ko nananaig parin sa akin ang galit.

Pinatay ng mga magulang niya ang pamilya ko.

Walang awang pinatay nila ang nanay at tatay ko.

Kitang kita ko kung paano pinatay ng tatay ni Devon ang tatay ko at ng nanay ni Devon ang nanay ko.

Kitang kita ko kung paano lumuhod at magmakaawa ang mga ito upang hindi sila patayin.

Napakayaman ng aming pamilya noong nabubuhay pa ang mga magulang ko. Halos lahat ng kompanya ay nagpapatayan maging ka partner lang kami sa negosyo.

Na pag-isipan nilang maki pag partner sa amin pero tinanggihan ito ng mga magulang ko na ikinagalit nila.

Yun nga ang dahilan kung bakit nila pinatay ng mga magulang namin. Hindi manlang nila inisip ang kalagayan ng mga anak na maiiwan ng dalawa.

Pinasok namin ni kuya ang Demon Academy para gantihan ang pamilya nila pinalitan namin lahat ng pagkakakilanlan namin.

Noong pagpasok namin dito ni kuya ay mga magulang pa niya ang may hawak ng paaralan na ito.

Simple lang ito at tulad rin ito ng ibang mga paaralan.

Ngunit noong namatay ang nanay ni Devon nag iba ang lahat.

Pinlano na namin ang lahat ni kuya ako ang nag sabi sa kanya na patayin namin ang nanay ni Devon sunod ang tatay niya at ang ate niya at si Devon.

Iisa isahin namin sila

Upang malamam nila kung gaano kasakit mawalan ng mga magulang.

Malakas ang ulan ng gabing iyon matiyaga naming hinintay ang paglabas ng nanay ni Devon sa paaralan.

Kasama ng isang body guard niya itong lumabas pasakay sa Ferrari na naka park sa harapan ng gate ng paaralan.

Agad na sininyasan ko si kuya para gawin na ang aming plano.

Wala ng katao tao sa eskwelahan ng mga oras na iyon.

Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni kuya na ituloy ang plano namin.

Agad na sinunggaban ko ang guard sinaksak ko ito sa kanyang leeg na agad naman nitong kinamatay.

Agad namang nagwawawala ang nanay ni Devon.

Hinawakan ko ito at sinuntok ang sikmura.

Halos sumuka ito ng dugo dahil sa ginawa ko.

Napahiga ito dahilan para daganan ko siya.

Tinanggal ko ang mask ko at sumbrero ko para makita naman niya kung sino ang papatay sa kanya.

Nakangiti ko siyang tinitigan.

Halata naman sa mukha niyang nagulat siya.

"Surprise!" nakangiting sabi ko rito

"Lu- Lu- Lu- Luna?"
nauutal na tanong niya

"Tama! Ako nga!"
nakangiti kong sagot sa kanya

"ba- ba- bakit?"
nauutal ulit na tanong niya

"Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ang batang inalisan ninyo ng karapatan maging masaya kasama ang mga magulang!." galit na sagot ko

Na ikinagulat naman niya.

"Ikaw? Ikaw ang anak nina.."
gulat na gulat na tanong niya ngunit hindi pa siya natatapos magsalita ay nagsalita rin ulit ako.

"Tama! Ako nga!"
nakangiting sagot ko sabay hila ng itak na nakalagay sa tagiliran ko.

Kitang kita ang kislap at talas nito ng tuluyan ko na itong mailabas.

"Please! Please Lunna huwag mo akong patayin kailangan ako ng mga anak ko. Kailangan ako ni Red and Devon. Please, Please don't."
naiiyak na pagmamakaawa nito sa akin

"Pinakinggan mo ba ang nanay ko noong halos lumuhod siya at magmakaawa sayo?"
galit na sagot ko dahilan din para suntukin ko siya na halos ikawala ng ulirat niya.

"Lunna please.. don't!" patuloy na pagmamakaawa nito

Ngunit lalong umigting ang galit ko dahilan upang sabunutan ko siya sabay taga ng ulo niya.

Halos ihilamos ko ang sariwang dugo na sumirit mula sa leeg niya.

Nakangiti na tumayo ako habang hawak hawak ang ulo nito.

Nakatayo lang si kuya hindi man lang ako tinulungan.

"Bakit nakatayo ka lang diyan?"
natatawa kong tanong sa kanya

"Alam ko kasing kaya mo na yan."
natatawa niyang sagot sa akin.

Ng tuluyan nga akong nakalapit kay kuya ay agad ko itong niyakap ng napakahigpit at sabay hagulhol dito.

"Ito na yun kuya. Unti unti na natin nakukuha ang hustisya para sa mga magulang natin at para sa atin." patuloy parin na pag iyak ko

"Tahan na hindi pa tayo tapos!" may galit na boses na sagot ni kuya




To be continue....





Vote and comment
Thank you so much!

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon