Chapter 22~ Kasalanan

1.7K 44 0
                                    

~Someone POV~

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Devon kahapon, hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang mayroon kay Isabella?

Bakit mahal na mahal siya ni Devon.

Hayop siya! Hindi magtatagal at ako mismo ang papatay sa kanya.

Napagdesisyunan kong pumunta sa dorm ni Devon.

Kakausapin ko siya.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakukuha.

Ilang minuto nga at narating ko na rin ang dorm nito agad na kumatok ako.

Ilang beses din akong kumatok sa pinto pero wala talagang bumukas.

Talaga bang balewala lang ako sa kanya?

Hindi ba niya alam na gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Kahit sunugin pa ang kaluluwa ko sa impyerno tatanggapin ko mahalin niya lang ako.

Pero parang hindi mangyayari na mamahalin niya rin ako dahil lagi nalang si ate ang importante sa kanya.

Si ate na hindi naman sinusuklian ng tama ang pagmamahal niya.

Si ate na hindi naman pinapakita sa kanya na importante siya.

Bakit Devon?

Bakit?

Ilang minuto na akong nakatayo sa labas pero wala talagang nagbubukas ng pinto.

Maya maya ay parang may narinig akong yabag papalapit sa direksyon ko kaya naman agad akong nagtago.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko si ate Lunna tuloy tuloy na pumasok sa dorm ni Devon.

Natatandaan na ba niya ang lahat?

Hindi ito maaari!

Sa akin lang si Devon!

akin lang!

Makukuha din kita Devon at balang araw ako lang ang mamahalin mo!

Ako lang!

~~~~~~~~~~~

~Isabella POV~

Dirediretso akong pumasok sa dorm ni Devon.

Pinasok ko nga sa aking bulsa ang susing nakalapag sa lamesa na kanina kong nakita.

Kaya nakapasok ako sa Dorm nito

Naglakad nga ako dirediretso sana sa kwarto nito ngunit ganon nalang ang gulat ko ng may biglang nagsalita.

"Where have you been?"
tanong niya na halos nagpalundag sa akin

"Sa labas"
nakangiti kong sagot

Nakasimangot ito at galit akong tinignan nakaupo ito sa sofa habang naka dekwatro.

"Sa labas o kay Antonie?" galit na tanong nito sa akin

Nabigla ako sa tanong nito kaya agad akong nag isip ng paraan para sagutin ang tanong niya.

"Bakit ko naman pupuntahan si Antonie?" pagdadahilan ko na lalong kinagalit nito.

"Sinungaling!" galit na sigaw nito sa akin

"Bakit ka ba sumisigaw? Bakit ka ba nagagalit?" sigaw kong tanong dito

"Nagtatanong ka pa?" galit na sagot nito

Naglakad ito papalapit sa akin na kinaatras ko naman

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon