~Isabella POV~
Binuklat ko ang album na nakita ko
Sa unang pahina ay may nakasulat na
Devon and I
Bubuksan ko pa sana ang sumunod na pahina kaso bigla akong nagulat ng may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Maglilinis ka ba o hindi?" pagmamando niya
Kaya agad kong binitiwan ang album na nakita ko at tiningnan siya ng masama.
Nilinis ko ang lahat ng mga nakakalat na libro sa sahig, mga nabasag na salamin at mga plorera.
Bipolar talaga yung lalaking yun biruin mo masaya kami kanina ngayon galit na naman siya sa akin.
Hindi ko na siya maintindihan!
Agad naman siyang pumasok muli sa kwarto niya.
Naglinis ulit ako at hindi ko na pinansin pa ang album na kaninang hawak ko siguro ay mga pictures lang niya yun noong bata pa siya.
Ilang oras din ang paglilinis na ginawa ko.
Umupo ako sa sofa ng makitang malinis at maayos na ang buong lugar.
Isinandal ko ang aking ulo at mariing ipinikit ang aking mga mata.
Nagising ako dahil sa mga kaluskos na naririnig ko.
"Devon?" tawag ko sa pangalan niya
Nagulat kasi ako ng makita ko siyang nakapamewang at nakasandal sa pintuan habang nakatingin sa akin.
"Masakit pa ba ang mga kamay mo?"
tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang sarili"Hindi na." walang emosyon niyang sagot sa akin
Unti unti akong tumayo at lumapit sa kanya sabay kuha sa kamay niya na may sugat.
Nginitian ko siya ngunit unti unti niyang hinatak ang kamay niya.
"I'm ok!" nakangiti na niyang sabi
"Napagod ka ba?" walang emosyong tanong niya sa akin
Sinimangutan ko siya. Dahil pagod na pagod ako sa kalilinis ng buong dorm niya at hindi man lamang niya ako tinulungan.
Napansin ko na parang may hinahanap ito kaya tinanong ko siya.
"May hinahanap ka ba?" nagtataka kong tanong sa kanya
"Wala naman!" seryoso niyang sagot sa akin
Biglang naglakad ito papalapit sa lamesa kung saan nakalapag ang album na kaninang hawak ko.
Hindi ko na siya tinanong pa kung ano bang mayroon sa album na yun.
Pero hindi ko maalis ang tingin ko dito at may boses na bumubulong sa akin na kunin ko ito mula sa kanya.
Pero may tiwala ako sa kanya kaya hindi ko nalang ito kinulit pa kung ano bang mayroon sa album na yun.
Natuon ang atensyon ko sa pinto ng biglang may kumatok doon. Sunod sunod ito at walang hinto.
Nakapamewang na umupo si Devon sa sofa at saka ito nagdekwatro.
Nagkatinginan muna kami bago ako kumilos upang buksan ang pinto. Hindi naman ako pinigilan ni Devon kaya naman nagpatuloy akong naglakad patungong pintuan.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...