Chapter 3~ Pangako

4.2K 155 0
                                    

~Isabella POV~

Nakakalat ang mga gamit

At.....

At.....

At.....

Si Antonie

walang malay at nakahiga sa sahig nagkalat din ang sariwang dugo nito.

Agad akong tumakbo at binuhat ang ulo niya upang ipatong ito sa aking hita.

"Antonie......anong nangyari sayo?"
Patuloy ko siyang kinakausap kahit na alam kong hindi niya ako naririnig.

"Sino ang may gawa sayo nito?"naiiyak na tanong ko sa kanya

Lumapit din si Liziel

"Antonie!!!"
Niyugyog siya ni Liziel umaasang magigising ito.

Tumutulo ang luha namin ni Liziel habang nakatingin sa isat- isat at natataranta kung ano ang gagawin namin.

"Sandali lang Isa, dito ka lang hihingi ako ng tulong."
maawtoridad na utos ni Liziel habang nanginginig ang boses.

nagmamadaling tumakbo ito palabas.

Bumalik ang atensyon ko kay Antonie may saksak siya sa bandang tagiliran at patuloy paring nagdurugo ang sugat nito.

Agad na kumuha ako ng malinis na bimpo at marahang itinakip sa parteng dumudugo.

Wala paring malay si Antonie.

Sino kaya ang gumawa nito sa kanya?

Malakas ang kutob ko na si Devon ang gumawa nito siya lang naman ang may kakayahan at masasabi kong galit kay Antonie.

Hindi ko na alam parang mababaliw na ako sa mga nangyayari.

"Shit!!!"
Napahawak ako sa ulo ko ang sakit kasi nito. Mariin ko lang itong hinilot upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~

~Liziel POV~

Nagmamadali akong tumakbo sa Clinic para humingi ng saklolo.

Kumatok ako

Tatlong malakas at magkakasunod na katok nga ang ginawa ko

Kinakabahan ako para kay Antonie tingin ko inaatake na naman ako ng Anxiety ko.

Lumabas ang isang babae at sa tingin ko nurse siya dahil sa suot nitong uniporme.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo iha?"

"Ma'am tulungan niyo po kami ang kaibigan ko po!"
nangingiyak kong paghingi ng saklolo.

~~~~~~~~~~~~~~~~

~Isabella POV~

Nakaupo kami ngayon nina Gabriel, Liziel, Jade, Cassandra at ako sa upuan na nasa loob ng kwarto ni Antonie.

Naghihintay na magkamalay ito.

"Saan ba kayo nagpunta at hindi niyo nakita ang nangyari kay Antonie?"
Pagbasag ni Liziel sa katahimikan

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon