~Someone POV~
Dali dali akong nagtungo sa aking dorm akala ko ay makikita na ako ni Isabella. Buti na lang at nakapagtago agad ako sa itaas ng puno.
Hindi ko na kayang maghintay pa at tumunganga na lamang dahil maagaw niya na ulit si Devon sa akin.
Kikilos na ako. Hindi maaaring mapunta si Devon kay Isabella.
Hindi maari!
Hindi ako mapakaling pumunta ng kusina at nagmamadaling naghanap ng baso at tubig. Nang makita ko nga ang balak ko ay agad kong nilagyan ng tubig ang baso.
Maaagaw na ni Isabella si Devon sayo!
Maaagaw na ni Isabella si Devon sayo!
Maaagaw na ni Isabella si Devon sayo!
Paulit ulit itong umaalingawngaw sa isip ko. NAKAKARINDI!
"Ahhhhh! Hayop ka Isabella! Bakit ka pa bumalik. Bakit pa kita hinayaang mabuhay pa! Dapat noon palang pinatay na kita!" gigil na gigil na bulalas ko
Hayop siya papatayin ko siya.
"Sa pagkakataong ito hindi na kita hahayaang makatakas pa ako na mismo ang papatay sayo!" sa galit ko nga ay naihagis ko ang basong hawak hawak ko
Bakit ba kasi hinayaan ko pang bumalik pa siya? Dapat noong nasa labas pa kami ay pinatay ko na siya.
Naglakad ako patungong kwarto at sa sobrang gigil ko nga ay nasipa ko ang pintuan ng kwarto.
Hindi ko na aantayin si Red na kumilos ako na mismo ang kikilos para bumalik ulit sa akin si Devon.
Inihiga ko ang katawan ko sa malambot na kama at may bigla ngang sumagi sa isip ko.
Kamusta na kaya si Antonie?
Si Antonie...
Pwede ko siyang magamit para makaganti ako at mapatay ko si Isabella.
Alam kong mahal na mahal niya si Isabella at sa oras na malaman niya ang totoo sigurado akong magkakaroon ako ng bagong kakampi.
Agad akong tumayo mula sa kinahihigaan ko at nagmamadaling pumunta sa lugar kung nasaan naroon ang lumang building doon kasi nakalagay ang mga bagay na kakailanganin ko.
Kinuha ko ang jacket ko na nakapatong sa side table at mabilis ko itong sinuot.
Ilang minuto akong naglalakad hanggang sa narating ko na ang lugar na gusto kong puntahan.
Nakangiti akong pumasok sa loob nito.
"Sa wakas magagamit ulit kita." bulong ko sa sarili habang nililibot ng paningin ko ang buong gusali
Kapag nalaman na ni Devon ang lahat may pagkakataon na rin ako na mapatay si Isabella.
"Hahahahahahahaha" malakas na halakhak ko
At sa lugar na ito mismo kita papatayin Isabella. Gigil na gigil na akong patayin kang hayop ka. Nananamnamin ko ang bawat segundo at minuto ng paghihirap mo.
Pumasok ako sa loob ng gusali. Umalingasaw agad ang nabubulok na amoy na mismong hinahanap hanap ko.
Ang masangsang na amoy ay parang mabangong bulaklak sa aking pang-amoy.
Agad na nagtungo ako sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.
Nang matunton ko nga ang kwartong hinahanap ko ay binuksan ko ang pinto at mabilis akong umupo sa upuan na nasa harapan ng computer. Agad na binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang kwarto kung na saan naka konekta ang CCTV Camera nakita ko na punong puno ng daga at uod ang buong kwarto at halos naaagnas na ang mga bangkay na naroon.
Ang saya sayang tingnan ng mga daga na halos ang tataba na.
Matutuwa kaya si Isabella kapag ikinulong ko siya dito.
Balang araw masasagot ko din yan. Pero sa ngayon pag iisipan ko muna ang mga gagawin ko upang mabilis na mawala sa landas ko ang Isabella na yun.
Lumabas ako sa kwarto na iyon at agad na pumunta kay Red.
Maingat kong kinandado ang lahat ng pintuan na naroon.
Ilang minuto lang din akong naglakad at narating ko narin ang lugar kung nasaan si Red agad na padabog kong binuksan ang pintuan hindi na ako kumatok pa.
Nakita ko naman agad ang hinahanap ko nakaupo siya habang nakatalikod sa akin nakatingin siya sa malaking bintana niya.
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyong tanong niya sa akin
"May plano ako." sagot ko habang unti unting naglakad papalapit sa kanya
"Ano na naman ang punyetang plano na yan? Sigurahin mong maganda ang sasabihin mo at nang hindi mo masayang ang oras ko." sagot niya hindi pa rin niya ako binubuhusan ng tingin
"Kailangan ko si Antonie kunin mo siya." inis na utos ko sa kanya
"Siya lang ba ang kailangan mo?" natatawa niyang sagot
"Oo!" sagot ko sa tanong niya
"Anong plano mo kay Antonie?" seryoso niyang tanong sa akin
Ngayon nga ay unti unti na siyang lumingon sa akin.
"Ako ng bahala sa kanya. Gagamitin ko siya upang patayin si Isabella." nakangiti kong sagot sa kanya
Hindi naman ito sumagot pa.
"Tutuloy na ako. Aasahan ko ang tulong mo Red!" seryoso kong pagpaaalam sa kanya
Matapos nga akong magpaalam ay mabilis din akong lumabas. Agad na bumalik ako sa dorm ko.
Unti unti ko ng makukuha si Devon at kapag nagawa ko yun matutupad na ang lahat ng mga plano ko para sa amin ni Devon.
Hindi ko na kakailanganin si Red kung sakaling masakatuparan ko na ang mga plano ko. Papatayin ko rin siya. Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit na dinulot niya sa akin.
Ako din mismo ang papatay sa kanya.
Dahil sa kanila nahiwalay ako sa pamilya ko. Nagkapeste peste ang buhay ko.
Pagkatapos nila akong kunin sa pamilya ko hindi ko kailanman sila tinuring na pamilya dahil hindi nila ipinaramdam sa akin na mahalaga ako. Pinahirapan nila ako at sinaktan. Pinamigay nila ako sa ibang pamilya kung saan naranasan ko ang pait ng buhay. Inabuso nila ako at minaltrato hindi ko naranasan ang tunay na pagmamahal. Walang nagmalasakit sa akin kundi si Devon lang. Siya lang ang nagpahalaga sa akin. Kaya hindi ako papayag na mapupunta siya kay Isabella.
Hindi ako papayag! Akin lang siya!
Akin lang!
Lahat sila papatayin ko. Magsasama kami ni Devon habang buhay.
Hindi ko mapigilang humalakhak dahil sa naiisip ko. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at pinag iisipang mabuti ang mga dapat kong gawin.
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising. Nag ensayo ako kung paano muling pumatay.
Sinimulan ko ito sa mga taong nakakasalubong ko.
Malas nga at tatlo lang ang napatay ko.
Itinigil na kasi ang klase kaya hindi na gaanong naglalalabas ang mga estudyante.
Hindi nga magsalubong ang landas namin ni Isabella. Kung makita ko siyang nag iisa ngayon wala na akong sasayangin pang oras. Papatayin ko na siya.
Vote and Comment
Please click the star on the left side below.
Thank you
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...