Chapter 44~ Katapusan

1.4K 36 1
                                    

~Isabella POV~

Agad na napaatras ako ng itulak ako ng lalaking nasa likuran ko.

Napatingin ako sa babaeng napaurong din ng itulak din siya papunta sa harapan.

Masama niya akong tiningnan sa tansya ko nasa 20 years old pataas na siya at mapapansin ding parang sanay na siyang makipaglaban.

Tuluyan na akong naglakad patungo sa kulungang papasukan ko, napakalaki nito.

Ito na yata ang katapusan ko!

Napakalakas ng tibok ng puso ko dahilan para mapatingin ako sa harapan kung nasaan si Devon.

Nakaupo pa rin ito habang nakatabi pa rin sa kanya ang babaeng kaninang nag abot sa kanya ng garapon.

Hindi ko akalaing magagawa niya ang bagay na ito sa akin!

Samantalang ako nahihirapang kalimutan siya at nahihirapan sa mga ginagawa niya sa akin.

Ang unfair niya!

Hindi ko na talaga kaya!

Masyado na akong nasasaktan sa mga ginagawa niya sa akin.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa direksyon kung nasaan si Devon at diretso na akong pumasok sa kulungang pagkukulungan at paglalabanan namin.

Dumiretso ako sa kanang bahagi ng kulungan para hindi ko na makita ang mga bagay na nangyayari sa harapan ko.

walang gana kong kinuha ang espadang nakalapag sa sahig.

walang emosyong tinignan ko ang babaeng nasa kaliwa ng kulungan.

Nakatingin siya ng masama sa akin isang nakakainsultong ngiti ang pinakawalan ko dahilan para suklian niya ako ng napakatalim na tingin na anomang oras ay tatapusin na niya ako.

Nang makitang handa na na kaming dalawa.

Agad na tumunog na ang bell.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko pero hindi ko yun pinahalata.

Sinenyasan ako ng babaeng kalaban ko na lumapit ako sa kanya.

Tiningnan ko lang siya at hindi ko siya pinansin hindi ko rin sinunod ang utos nito.

Dahilan para lalo siyang magalit sa akin.

Patakbo niya akong inatake dahilan para mapaupo ako ng tuluyan kasabay nga nun ang malakas at buong pwersang paghampas niya ng espadang hawak niya sa akin pero agad ko din naman yung sinangga ng hawak kong espada.

"Papatayin kitang hayop ka!" gigil na sabi nito sa akin

Malakas na sinipa ko siya sa kanyang sikmura dahilan upang mawalan ito ng balanse at mapahiga.

Mabilis akong tumayo pero mas mabilis itong tumayo kaysa sa akin.

Agad din niyang sinipa ang sikmura ko dahilan upang mapaluhod ako ng tuluyan.

Napakasakit ng ginawa niyang pagsipa sa sikmura ko.

Hawak hawak ko parin ang espada ko ngunit ng tignan ko ulit siya ay mabilis niyang sinipa ang kamay ko.

Hindi ko yun inaasahan dahil ang akala ko ay ihahataw na naman niya ang espada niya sa akin.

Agad na nabitiwan ko ang hawak kong espada dahilan para mapatili ang mga babaeng nakakapanood sa amin.

Isang napakalawak na ngiti ang pinakawalan niya. Pilit kong inabot ang espada kong tumalsik sa di kalayuan.

Pero mabilis niyang itinutok ang espada niya sa akin dahilan para mapaatras ako.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon