BY: Moonraff Guadalufe
Mahilig ka ba mag jogging? Ang jogging kasi ay nakakatulong para sa ating kalusugan, kaya nga araw araw ay nagjojogging ako. Tuwing 4:00 ng umaga ay lumalabas na ako ng bahay mag isa. Nakasanayan ko ng magjogging sa malapit na lugar samin na kung saan may ginagawang subdiv. (camella)Parklane genereal Trias Cavite(sanfrancisco) . Madilim-dilim pa ng makarating ako doon, araw araw ay ako lang talaga mag isa ang nandun. Masarap tumakbo dahil.. paikot ikot pa ang desinyo ng lugar at bago pa ang semento. Nagsimula na akong tumakbo at magpaikot ikot sa lugar. Ramdam ko ang malamig na hangin at hamog . Habang tumatakbo ako at may earphone pang nakasapak sa tenga ko ay sa di kalayuan ay may nakita akong isang lalaki na gaya ko ay tumatakbo din. "aba! for the first time may makakasama ata akong magjogging" ayan ang nasa isip ko.Di ko siya balak kausapin o sabayan ang aking lang ay atleast di na ko mag isa. Habang tumatakbo ako ay pinagmamasdan ko ang lalaki na tumatakbo rin na nasa kabilang kanto diretso lang talaga ang paningin niya.. hindi gumagalaw ang kanyang ulo. nung paikot na ako ay nasalikuran niya na ako.. medyo malayo siya saakin. Nagsimula na akong kilabutan at pinigilan kung sumigaw, sinubukan kong wag matakot, ang tanging gagawin ko nalang ay umikot hanggang makalapit ako sa labasn at tumakbo, dahil medyo malayo pa ako sa labasan ay tiniis ko makita ang kasama kong tumatakbo..
Alam niyo ba hindi siya tumatakbo wala itong paa lumulutang lang siya, pero nakaposisyon siyang parang tumatakbo, nagdadasal ako na wag siya lumingon saakin, nang makarating ako sa labasan ay tumakbo ako sa guard at natulala. Kitang kita ko parin siya mula sa guard house na tumatakbo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko parin ito mula sa guard house hanggang sa tinawanan ako ng guard
Si nonong ang tawag nila diyan. marami rami narin ang nakakita sa kanya kaya nga wala gaanong nag tatato dito pag madilim pa. minsan lang yan magpakita si nonong
Ayon sa guard Nonong lang ang bansag sa kanya dahil matanda a t medyo maliit. kung ilalarawan ko ang itsura niya di mo aakalain na siya ay ibang nilalang
kulot ang buhok at medyo makapal na kulay green na sando at black na short medyo makapal ang bigote.. tandang tanda ko pa ang itsura niya
Simula nun ay di na ako kailan man nagjogging nang madilim ka kahit sa ibang lugar. Para bang nakaramdam ako ng isang trauma, na di ko maintindihan. Minsan nga iniisip ko o napapaniginipan ko na nakangiti ito at kumakaway pa saakin.

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2