Elementary pa lang ako noon ay rinig ko na sa kapatid at magulang ko ang kwento, na may kasama kaming naninirahan sa bahay namin na multo. Hindi lang isang multo, kundi mag ASAWA daw.
Kahit na rin ako saksi sa kababalaghan na yon na nangyayari saamin. Paminsan nararanasan namin na bigla na lang nawawala ang mga gamit saamin tulad nang maliliit na bagay na ginagamit namin.. Tulad nang suklay, sandok,remote at kong ano pa na malilit na ginagamit namin.
Kapag nag simula na kaming mag hanap nang nawawalang gamit, ay saka na lang bigla-biglang lilitaw yon at nag papakita.
Paminsan pa nga.
Naririnig ko na para bang may nag lalakad sa hagyan namin nang pabalik-balik ng des-oras na nang gabi. Doon ako kinilabutan sa takot dahil rinig na rinig ko ang ingay nang hagyan sa bawat pag apak doon.
Pero nag bago lahat ang karanasahan ko nang maranasan ko ang kakaiba at nakakatakot na nangyari saakin.
Tatlo kaming mag kakapatid, at ako yong pangalawa at nag iisang babae. Yong kuya ko naman ay may asawa na at isang anak. Bumukod na sila, kayat kami na lang nang bunso kong kapatid ang mag kasama sa bahay.
Ang mga magulang ko naman ay parehong nag tra-trabaho sa ibang bansa. Ang papa ko naman ay nag tra-trabaho sa saudi, samantala naman ang mama ko naman ay kakaalis lang para mag trabaho sa Kuwait.
Linggo nang hapon noon nang mag paalam saakin ang bunso kong kapatid na si Cliff na aalis daw sila nang mga kaibigan nya. Kahit labag sa kalooban ko, ay pinayagan ko na sya dahil ang sabi nya saakin mabilis lang naman daw sila.
Nang maka alis na ang kapatid ko. Ako na lang mag isa ang naiwan sa bahay. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas at mag gala kong saan-saan. Komportable na ako, na nasa loob lang ako nang bahay na nanunuod, nag fa-Facebook at nakikinig nang music.
Mga ilang segudong lumipas nung umalis ang kapatid ko, ay dumating sa bahay namin, yong pinsan kong lalaki na kasing-edad lamang nang bunso kong kapatid.
""Ate Nicole, asan si Cliff?"" Tanong saakin nang pinsan kong si Jonas.
Medyo close din kasi sya saamin. Paminsan natutulog din si Jonas sa kwatro nang kapatid ko, dahil hindi na sila nag kakaysa sa maliit nilang
bahay dahil sampu silang mag kakapatid. Nag sisiksikan sila sa maiit na bahay kasama ang asawa at anak nang mga kapatid nya.
""Umalis kasama ang kaibigan nya"" ani ko naman at hindi ko sya tinapunan nang tingin. Naka tutok lang ang aking paningin sa aking hawak-hawak na cellphone habang nag fa-facebook.
""Titignan ko sa itaas"" ani nya na para bang hindi sya naniniwala saakin.
""Bahala ka"" walang buhay kong saad at rinig ko ang yabag nang kanyang mga paa paakyat sa itaas. Doon kasi sa ikalawang palapag namin ang kwarto ko, at kwarto nang bunso kong kapatid.
Mga ilang minuto pang lumipas. Rinig ko ulit ang yabag nang kanyang mga paa pababa nang hagyan.
""Wala pala si Cliff"" Aniya ulit ni Jonas.
""Sabi ko sayo eh! Ang kulit mo din kasi"" sabi ko ulit.
Hindi na sya sumagot pa saakin at wala na akong narinig pang inggay. Nag assume na lamang ako na bumalik sya sa kwarto nang kapatid ko.
Nang sumakit na ang mata ko sa ilang oras na pag s-scroll down and up sa facebook. Napag pasyahan kong tumayo at mag patogtog nang music sa laptop. Binuksan ko yong laptop ko para mag patogtog pero wala akong narinig na music. Doon ko lang ulit na alala na sira pala ang speaker nang laptop namin. Kakailangan mo pa gumamit ng speaker para marinig mo lang tunog at sounds noon.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
