Siguro ito na ang isa sa mga di ko makakalimutan experience ng buhay ko. So, here it goes. Di po ako student, I'm actually working na. Isa akong brand ambassador and weekends lang pasok ko. This time sa Puregold Zabarte ako na-assign. Sa Bagong Silang, Caloocan. Sunday and last day ko na sa outlet ko, so nagkayayaan uminom and magbonding ang mga friendship kong diser and cashiers. Past 1 na kame natapos. Nagsiuwian na kame at dahil sa pagkahilo ko, imbis na kanan Ph5/Ph1 sakyan ko, nasakyan ko is kaliwa Ph9/10.
Di ko na napansin yung placard nung jeep. Hilo na ang lola nyo. Then, After some paalams and besohan. Nakasakay na ko. Konti lang pasahero sa jeep nun. Sa unahan si mamang driver, sa bandang kaliwa 2 lovers, sa bandang kanang gitna, isang nursing student and ako, sa dulong kanan. Then, binaybay namin ang kahabaan nang Camarin.Nakarating na kami sa may boundary na naghahati sa Ph5 kanan and Ph9 kaliwa. Medyo natauhan ako, kasi dun ko lang nalaman na mali nasakyan ko, so pakaliwa na kami sa may mental hospital katabi ng police station. Ang nakakapag taka lang is halos lahat ng poste ng ilaw rito sa bagong silang meron, maliban lang dito sa may bandang mental hospital. Pababa na kami dahil parang bundok style yung way, sobrang dilim. As in, ilaw lang ng jeep namin ang liwanag nun, bukod sa mapuno, sobrang liblib at tahimik ng road. And the unexpected happened. Sa dulo ng mental hospital, sa gilid may pumapara, matangkad na kalbo. Akala ko lalaki pero matatanaw mong naka-dress sya. Pero imbis na ihinto nung driver Iniharurot nya ang sasakyan, halos lahat kami muntik nang bumaliktad!
NV.
Me: Kuya! May sasakay po!
LoverBoy1: Manong may pumapara po, Bakit di nyo pinasakay?!
Di umiimik si manong at ang bilis pa rin ng pagpapatakbo nya. Nakalagpas na kami sa lalaking kalbong yun. Nang biglang...
NursingStdnt: T@#$%^! Humahabol sya!
Halos mapabalikwas ako pagkatingin sa likod, yung kaninang pumapara at nilagpasan na namin ay humahabol sa jeep! T@#$%^! mga bes! Mas mabilis pa sya kay Usain Bolt! Lalong pinabilis ni manong ang pagdrive pero mas bumilis din sya, nang makakaabot na sya samin tsaka ko nakita yung mukha nya, kalbo. Sobrang lalim ng mata nya halos wala na ng puti. Para syang naglalaway. K@#$^! Napakahaba ng dila nya at sobrang putla. May sugat yung ulo nya na parang sinunog na ewan. At mas lalo pang dumagdag yung tensyon nang nahawakan nya na yung dulo ng jeep! Tumatawa sya at sumisigaw nang "Pasakay! Pasakay!" P@#$! Kulang nalang malaglag puso ko sa takot! Nagtitilian, nagsisigawan na kaming lahat nang biglang ipreno ni manong yung jeep. Natumba kami at ang nakakakilabot ay wala sa loob o labas ng jeep yung kalbo. Nasan sya?! Natataranta na kaming lahat. Nawala pagkalasing ko naiiyak na ko! Mama! Gusto ko na talaga umuwi! Saglit pang katahimikan ang naganap. Lahat kami nagpapakiramdaman. nang may isang malakas na tawa at sigaw ang narinig namin. Pinaandar na ni manong yung jeep. Di pa rin naaalis samin yung takot at tensyon. Sa nangyari at nang nakarating na kame sa Ph9. Sa mga paradahan ng mga tricycle at jeep. Dun lahat kami nagsibabaan. Di pa rin nagsisink-in sa utak ko lahat nang naganap. Nag uusap usap sila, yung mga ibang driver pati ibang pasahero. Sabi nung driver ng tricycle, "Napaglaruan na naman kayo? Dapat kase di kayo dumadaan dun bago mag alas tres eh." At base na rin sa mga sinabi nila. Pasyente raw ng mental hospital ang gustong makisabay samin. Mga namatay ng pasyente. Yung sugat nya sa ulo yun pala yung pag kinukuryente sila sa ulo. Yung dress na suot nya, ang hospital dress. At ang nakakakilabot pa dun. Babae pala siya, di sya lalaki. Kaya siya kalbo dahil pag mental patient ka raw kakalbuhin ka talaga. Nanlumo ako sa nangyari. Nakakaawa sila pero, sh*t! Nakakatakot din! Putspa! Konti nalang macoconfine na rin ako dun. Nagspecial tricycle na ko pauwi. Kahit 40 makauwi lang! Pag-abot ko kay kuya ng bayad, Halos mapasigaw ako sa takot.
Kalbo rin sya. T@#$%^!
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Proză scurtăbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2