Third eye

3K 57 0
                                    


BY: nagpapatago


Di ko alam kung maniniwala kayo sa kwento kasi kahit ako di makapaniwala sa mga nakikita at mga nararamdman ko


Sabi nila may third eye daw ako, sabi pa ng ermitanyong nakilala ko di daw pwede isara ang third eye ko na bagay na ayaw niya ipaalam saakin.


Lumaki ako sa pamilyang puro lalake ang kasama, only child kasi ako kaya sa tuwing maglalaro ako sa labas ng gabi tintakot ako ng mga tiyuhin ko na may multo,aswang at kung ano ano pa


natatandaan ko uso nuon ang  white lady  lagi nila ako tintakot kaya nang minsan parang nakakakita ako ng whitelady sa harap ng gate namin at hindi nila ako pinaniniwalaan, sabi nila guni guni ko lang daw


Ito ang pinanghihiwakan ko sa tuwing ako ay nakakakita ng di nakikita nang iba.

Hanggang nag Highschool naako, tila ba di nawawala ang mga nakikita at nararamdaman ko lalo na sa School na pinapasukan ko na umano'y dating libingan.

madalas ako makakita ng pugot na ulo, nakakarinig ng mga ingay na humihingi ng tulong.

Pinilit ko piniwalain ang sarili ko na malawak ang imagination ko

pero nagbago ang lahat ng nagsimula akong makaramdam ng mga nakakakilabot na pangitain


Nagsimula ang lahat ng 4th  year hs ako at may kaklase akong babae, lagi kaming magkasama sa school. nung pauwi kami ay magkasami kami sa paradahan ng jeep pauwi saamin

kumakain kami ng sabay

d kami magbestfriend pero friend ko lang siya.

weeks before graduation I had a bad dreams, yung tipong panaginip at mapapagising ka at di mo maalala yung panaginip mo

nagising ako nuon para bang hapong hapo


pagtagilid ko nakita ko ang isang mukhang duguan,may mga sugat sa mukha at mga pasa na prang binugbog, agad akong tumayo at nang bukas ng ilaw pero bigla siyang nawala


At muli ang sabi ko sa sarili ko guni guni ko lng yun

kinabukasan pagpasok ko galit na galit ang kaibigan ko sa Graduation Photo niya

mukha daw siya ibuburol

walang kakaiba nung oras na yun nagbiruan lang kami

sinabi ko pa nga sakto pang kabaong! Frame nalang ang kulang

Hindi ko naman inasahan na mangyayari nga

kinagabihan nakatanggap ako ng masamang balita

napatay daw ang kaibigan ko, tadtad ng saksak 37 wounds only 10 are minor so meaning yung other 27 ay tagusan. 

Hindi ako naniwala. ang hirap kasi paniwalaan diba?

kasama ko lang siya nang hapon pero ngaun wala na, nabalita pa siya sa news nuon

pinatay siya ng manliligaw niya

sabi ng tropa namin nagpakita daw siya sa kaibigan namin at tila ba nagpaalam at nagsabi na mamatay siya

sabi ko nagkataon lang yun

ang hirap kasi paniwalaan na mga bagay na di mo maintindihan o mapaliwanag diba?

Pero habang tumatagal dumadami ang ganung insidente.

tulad sa dalawang lola ko napanaginipan ko na mamatay sila sa ganung paraan at sa ganuong araw

at nagyari nga

maniwala kayo o sa hindi ultimo sa pagkamatay ni Aj Perez ay napanaginipan ko 


at minsan nakita ko ang itiim na anino na pumasok sa bahay ng kapit bahay namin na sinasabi nilang si kamatayan daw. At yun nga namatay ang isa sa kapit bahay namin

Sa sobrang takot ko ay pumunta ako sa kwarto ko kinuha ang rosaryo at nagdasal


  Hail Mary, full of grace. The Lord is with thee.


nakarinig pa ako nang ibang boses

pagtingin ko ssa salamin nakita ko ang sarili ko na pinaglalaruan at pinaikotikot ang rosary at nagbibigkas nang hail mary, na para bang binabastos ang dasal

nagtatakbo ako sa labas hanggang sa mawalan ng malay sa sobrang takot

pagising ko ay kinuwento ko ang nakita ko

sabi ng mga kasama ko sinira ko daw ang rosary kio pagkalabas ng kwarto ko


hindi man ito ang nakakatakot na spooky story na nabasa niyo

pero para saakin ito ay nakakatakot

ang hirap di ko mapaliwanag kong bakit o paano

pero basta nalang talaga nangyari


salamat po sana mailagay niyo po sa wattpad ang story ko


Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon