SELFIE

358 4 0
                                    


So eto kwento ko na. Bata palang ako nun siguro 13 yrs old ako nun, nandun ako sa bahay ng pinsan ko. Nanunuod kame nun, tandang tanda ko pa lahat ng pangyayari nung araw na yun. Katabi ko sa upuan yung pinsan kong babae, nakatutok lang kaming lahat sa tv nun. Yung style ng bahay nila parang pahaba, maluwang nman pero pahaba tlga yung tipong pagpasok mo ng pinto kita mo yung kusina nila. Tapos yung kwarto nila, tatlo sunod sunod. Nandon kme nanunuod sa sala nila na katabi yung gitnang kwarto. Palubog na yung araw nun, 5:30 na siguro. So ayon habang nanunuod kame, bigla akong napatingin sa gitna nilang kwarto, bigla nalang akong nagulantang sa nakita ko. Isang bata na nakatalungko sa pintuan, walang muka parang malabo ganon, natitigan ko pa nga ng ilang segundo e. Wala kaming kasamang bata nun. Hindi nako nagsalita sa mga pinsan ko nun at siguradong matatakot lang sila kaya nagtatakbo nlng ako pauwi samin. Kapit bahay lang nman nmin sila.

Tapos sa may bahay namin na inuupahan sa pampanga, maliit lang yun isa lang yung kwarto tas nasa loob ng kwarto yung cr. Maliit lang dn yung sala at kusina. Dun ako nag stay nung bakasyon, nandun kase nakatira sila mama dhil may hanapbuhay sila don. Ako lang lagi yung tao sa bahay na yun, kaya lagi lang nka lock yung pinto. Isang araw nung pag gising ko, naisipan kong maglaba agad (last year lang tong nangyare 2017) konti lang yung lalaban ko 5 pirasong damit lang siguro yun kaya sa lababo ko nlng lalaban. So ayun naglagay ako ng palanggana sa lababo tas binuksan ko yung gripo, nagpunta muna ko sa cr para kunin yung maruming damit. Tas pag balik ko ng lababo nkpatay na yung gripo. Walang tao nun ako lang at nkalock pa yung pinto. Madalas yun mangyare, minsan sa ilaw may magpapatay o may magsisindi.
Tas minsan pag gising ko ng umaga, sobrang sakit ng buo kong katawan parang may bumugbog sakin o minsan nman hndi ko maigalaw yung paa ko. Hindi ko nlng pinapansin yun.

Eto yung pinakamalala (kagabi lang to nangyare january 21, 2018) maaga akong natulog. May tv sa kwarto nmin, meron dn nman sa labas pero aircon kase yung kwarto kaya mas magugustuhan tlga nilang sa kwarto manuod. Katabi ko yung kapatid kong matulog(babae) nung gabi na yun, nanunuod pa sila. Edi nagising ako, bandang 11pm na yun. Nkatagilid ako nun, nkaharap sakin yung phone ko. Pagdilat ng mata ko, nakita ko yung phone ko may babaeng kumukutkot. Hndi ko maipaliwanag yung itsura ng babae. Parang nun nyang sirain yung phone ko. Katabi ko yung kapatid ko nun pero nakatalikod ako sknya, kinakalabit ko sya para ipakita na may kumukutkot sa phone ko. Pero tinawanan lang nila ko ng tito ko akala nila nanaginip lng ako. Tapos nung pag alis ng babae, agad kong kinuha yung phone ko tas binigay ko sa kpatid ko. Kinuha nman nya, habang natatawa pa. Tas nagselfie sya. Hanggang ngayon hndi ko pa dn tinitignan yung picture nya.
Yan lang. At maraming salamat po sa pagbasa.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon