Elevator

1.8K 32 4
                                    



By: 09216----82

Di na po ako magpapakilala nahihiya po kasi ako heheehe share ko po yung story ko saglit lang po ito

Burol po ng lolo ko sa isang building na malapit sa memorial park di ko na po babangitin ang pangalan ng building.

Yun nga po burol po ng lolo ko sa memorial bldg. at kaming mga magpipinsan ay nagpasya na paglaruan ang elevator,

Trip trip lang namin na daanan ang ib at ibang floor sa bldg na iyon maliit lang ang bldg. na iyon hangang 4th floor lang po ang kaya nun

Dahil nasa 3rd floor kami sinumulan namin sa 4th floor

9 po kami lahat na nasa elevator nasa bandang likuran po ako nang mga pinsan ko

At dahil around 12mid. Na din nun nagpapahinga ang mga tao sa bldg. na iyon

Pagka bukas ng elevator sa 4th floor ay medyo maliwanag pa at madami pang tao, then sinunod nanamin ang 2ndfloor then ganun din maliwanag pa at marami pang tao

Then pagdating namin sa 1stfloor pagbukas ay nakabungad samin ang isang gwardya na kulay brown ang uniform yung pang luma ang style.

Nagsiatras kaming siyam at hinayaan ang guard ang pumindot, nakaramdam ako na parang kakaiba ganun din ang pinsan kong katabi ko

Yung guard ay di tumitingin samin... diretso lang tingin niya eh wala naman gaanong tao sa 1stfloor, medyo dilim dilim ng kaunti.

Tinanong ni ate leslie na pinsan ko kung saang floor ngunit di siya sumagot,

Sa wakas pumindot din ang guard pinindot niya ang button kung saan ayaw namin pumunta dahil duon dinadala at inaayusan ang mga bangkay sa UG or under ground

Nagkatingan lang kaming lahat at tila ba alam na nanamin ang nasa isip ng isat isa.. sinumulan kong kumanta ng christian song at sumabay na din sila

Pagkabukas nang elevator ay lumabas na gwardya sa isang napakadilim na lugar tanging ilaw sa opisina dito sa UG lang ang makikita mong may liwanag nang kaunti pero madilim talaga as in parang nakapikit ka lang

Pagkalabas ng guard ay huminto kami sa pagkanta dahil di pa nakakalayo ang guard ay bigla itong naging usok sinara agad ni kuya gilbert abf elevator at pumunta kami sa 3rd floor kung saan nakaburol ang lolo ko

Ngayon ay naging katatawanan lang namin pagnaalala namin ito pero kahit ganun ay nakaramdam parin kami ng takot dahil kitang kita namin kung paano naglaho ang guard na iyon

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon