Nangyari po ang nakakatakot na pangayayring ito ilang taon na ang nakalipas.
Dumating ng tita ko from province kasama ang kanyang dalawang anak, yung panganay ay babae 2yrs old na siya ng panahon na iyon, then ang bunso ay baby boy nasa 8months old palang ito.
Yung pumunta sila dito wala naman akong nakitang mali sa mga anak niya, kasi masisigla naman, pero one time yung anak niyang panganay madalas maglaro magisa with her barbie.
Nung una di ko lang pinapansi dahil bago palang naman sila dito sa manila, kaya kinikilala palang kami kaya ok lang naman saamin
After few days madalas na kaming matulog na late, one time habang nanunuood ako ng horror film cinemaone sa sala, biglang umiyak ang pinsang kong babae dun sa kwarto namin. So ako pumunta sa kwarto at tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Di naman siya sumagot dahil palakas ng palakas ang iyak ng bata habang nakatingin sa kisame, sinigawan ko ang tita kong nasa banyo na umiiyak ang anak niya.
Ang sabi niya timplahan daw ng gatas, pagkatapos ko magtimpla ng gatas ay bumalik ako ng kwarto, namumutla na ang bata na para bang takot natakot sa kisame.
Kaya kinuha ko siya sabay bigay ng gatas, tinanung ko siya kung bakit siya umiiyak
ang sabi niya saakin NENE
paulit ulit niya lang sinasabi yun tapos tinanong ko kung sino si nene at kung inanaanu siya neto.
Sabi niya Nene taas.. means nasa kisame daw si nene at nakatingin daw saakin.
So ako natakot peo di ko to pinansin,sabi ko nalang papaluin natin siya.
Tapos umiyak nanaman siya ng malakas..
sabi ko bakit?
ang sabi niya saakin nagagalit daw sakin si nene.... (in bisaya)
Tinanong ko siya kung nasaan si nene
sabi niya ay bababa na daw ng kisame at nakatingin daw saakin.
So ako sumigaw na kay tita na lumabas na ng banyo, tapos biglang sumigaw ang anak niya.
Sumigaw siya ng Nene!
At tinanung ko kung nasaan si nene
tinuro ng bata ang likurn ko..
So ako sa sobrang takot nalaglag ko ang pinsan ko sa pagkakabuhat at tumakbo papuntang sala, naiiyak ako at namumutla, di ako masyado makatulog ng gabing yun.
Kinabukasan ng pauwi na sila nagempaki na ang tita ko at nilagay na ang manika sa maleta ako tulala parin sa pinsan ko habang umiinom ng tubig sa tasa. hinahanap niya yung manika niya, sabi ko nasa maleta. pinakuha niya saakin kaya kinuha ko naman.
nung pagkabukas ko ng maleta bigla niya nabitawan ang tasa at nabasag.
Tinanong ko siya kung bakit.
Ang sabi niya.....
si nene nasa maleta hawak ang manika ko...
And that day nag confess ang tita ko samen
habang pinagbubuntis niya daw yung panganay niya ay kilala niya daw si nene.
Yun daw yung nakikita niya sa probinsya tuwing gabi at si nene daw ay may kadena sa paa...
Thank you sana mabasa mo

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Cerita Pendekbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2