Home Sweet Home

398 3 0
                                        


Mula sa isang mahabang biyahe galing Norte sa wakas nakauwi na din kami sa bahay. Isang buwan, tama mahigit isang buwan din kaming nagbakasyon sa side ng mama ko at dahil summer ng time na iyon lubos kaming nag enjoy, kasama ang mga kapatid ko.

Gabi na nang kami ay makauwi sa bahay, kaya naman dahil sa sobrang pagod agad na nakatulog ang lahat. Bigla akong nagising dahil sa lamig na nararamdaman ko idagdag pa ang sakit ng leeg ko. Di ko
namalayang nakatulog na pala ako sala, dahan dahan kong kinapa ang bag na nasa bandang ulunan at kinuha ang cellphone ko, madaling araw na pala, binuksan ko ang flashlight mula dito at tumayo na.

Tumungo ako sa gitnang kwarto habang ang tanging nasa isipan ko'y makahiga at makapagpahinga na. Sandali akong natigilan ng makita ko na may nakahiga, nakaharap siya sa bandang bintana kaya mula sa likod lang ang nakita ko, mahaba ang kaniyang buhok.

Dahan dahan akong humiga at ng itataas ko na ang kumot upang maki-share ay nakita kong may katabi siya. Inisip ko na lang na baka iyon ang bunso naming kapatid, siguro nakatabon ng kumot kaya di ko agad napansin. Mula sa aking likuran nagsalita ang babaeng nasa likod ko, ""Oh bakit nandito ka?"" boses iyon ng panganay kong kapatid. ""Makikitulog lang nakakatamad umakyat sa taas e "", sa nakakaantok na boses.

Ipinikit ko na ang aking mga mata ng maalaala kong nakabukas pa pala ang flashlight ng cellphone ko, dahan dahan ko itong kinuha at binuksan nang biglang may nag pop-up na mensahe mula dito. ""Kumusta ang bakasyon niyo? Anong oras kayo nakauwi? "" *seen muli kong chineck kung sino ang nagtext, di ako nagkamali mula iyon sa panganay kong kapatid.

Ang antok na kanina ay nararamdaman ko, napalitan ng takot, mali sindak. Doon ko naisip na nasa ibang bansa pala ang ate ko. Mula sa aking likuran, naramdaman kong dahan dahang humarap ang babaeng nasa likod ko. Lalo pa akong kinabahan ng biglang may bumulong sakin, ""ate may iba tayong kasama."

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon