ROOM 306

415 8 3
                                        


year 2008 nangyari to, math camp namin nun sa school buong 2nd year high school .. so ito na, ang gamit lang namin buong second floor so syempre matik na magkakahaluan ng ibang section sa iisang room bali 2 sections sa iisang room, ito na ito na talaga hahaha, 8pm natapos ang program lahat kami pinapunta sa room dahil tulugan na nga kasi by 5am dapat gising na kami, nakahiga na kami ng mga kaibigan/classmate ko(5) nung time na yun mga bes nagmamantika na kami kaya yung isang gay na friend ko nag aya lumabas kahit hindi pwede unless magpapaalam kami umihi. tatlo kami lumabas yung dalawa namin kaibigan/classmate nagpaiwan.

habang naglalakad kami sa corridor halos kami nalang ang tao may mangilan ngilan na teacher din, nakakatakot na ang lamig ng paligid nung time na yun, kapit na kapit sakin si janine na kulang nalang di na madaluyan ng dugo ugat ko, tinanong ko sila.

ako: san tayo mag ccr? 3rd floor or first?
(mas malapit sa 3rd floor na cr kesa sa first)
janine: gago sa baba nalang nakakatakot sa taas walang tao.
ren: bakla ka ang duwag mo, dun tayo sa taas mas malapit.

so ayun wala kami nagawa kundi sa taas. after namin umihi nakita namin si ren papunta sa isang room sa may nakabukas na ilaw pero sarado ang pinto. tinawag sya ni janine

janine: bakla tara nakakatakot dito!(pabulong na pasigaw alam nyo yun? hahha)
nag sign lang ng shh.. si bakla hanggang sa pag silip nya sa butas(yung sa tinanggalan ng door knob) napamura sya ng madaming beses sabay takbo papunta samin hinila kamay ko tumakbo kami pababa hanggang sa makarating sa room, panay mura nya puro "putang*na tang*na" pero mahina lang, nanlalamig din kamay nya, pinagalitan pa kami ni mam bakit daw tagal namin makabalik, ng makapunta kami sa pwesto namin tulog na yung dalawa namin kaibigan, pinakalma namin si bakla tsaka tinanong..

(nagbubulungan kami)
janine: bakit napapamura ka?
ren: tang*na putang*na.
(hinampas ko sya sa balikat)
ako: gago ano ba yun? may nakita ka?
(sunod sunod tango nya na parang maiiyak na, kinikilabutan nako na nanlalamig parang ganun din si janine)
ako: ano?
ren: tang*na.. kasi kanina nauna ako lumabas ng cr di ba, puta teh! habang hinihintay ko kayo may narinig akong may bumagsak sa room na yun..! yung parang tunog na bumagsak na libro kaya ayun akala ko may tao.. pag silip ko tang*na! may nakaupo na babae sobrang putla, tang*na.. nakaharap sa black board yung ngiti nya sobrang laki na parang aabot na sa sentido yung mata nya itim puta! tang*na.. tang*na.. tang*na talaga.. tapos.. yung left hand nya nagalaw na parang may isinusulat sa hangin.

napamura ako sa isip ko nung time na yun kasi kung ako ang nakakita nun malamang nahimatay nako, kaya ayun simula ng may nakita si bakla di na kami dumadaan sa room na yun at never tumingin dun hanggang sa makagraduate kami, swerte nalang talaga at di ako natapat sa room na yun..

ps: pasensya na po sa bad words kasi yan po talaga ang pinagsasabi ni bakla nung time na yun.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon