Feetless

1.1K 15 0
                                    


by: King Cabellero

Nangyari po ito ilang taon na ang nakalipas.. 

Nung Una po ay hindi ako naniniwala sa mga multo..pero nagbago ang paniniwala ko nang mangyari ang bagay na ito..


Ilang taon na po kaming nakatira dito sa bahay namin sa Laguna,pero wala kaming maramdam na mga bagay tulad ng mga kababalaghan..

Sa bahay po namin ay meron tatlong floor bali ang pang third floor ay ang pinaka terrace namin..

Isang gabi po, habang ako po ay natutulog sa aking kwarto sa third floor ay nakakarinig akong parang tumatakbo sa hagdan.. Paminsan naman po ay naglalakad lang..\

Antok po ako nun kaya di ko nalang pinapansin iniisip ko baka kasama ko lang sa bahay yun..

Kinabukasan  Nagkatanungan kami kung sino yung takbo ng takbo sa bahay namin. Ngunit walang sino man ang umamin. Kaya Chineck namin yung mga gamit namin sa bahay baka napasukan kami ng magnanakaw.. Pero wala complete po lahat ng gamit namin..

Then one night  10:00pm or up... ay tumambay ako sa terrace upang magbasa ng libro.. at magpahangin narin..

Sumilip po ako sa taas at may nakita akong babaeng nakadusterna dilaw na babae nakatali pa ang buhok nito.. para bang may hinahanap sa labas.. Ang pinagtataka ko Gabi na masyado.. kaya ang ginawa ko sinisitsitan ko siya.

Ngunit nagulat ako saaking nakita wala itong Paa.. nakalutang lang ito.. Kaya agad akong bumaba at pumasok sa kwaro ng kapatid ko na mahimbing na natutulog..

Di po ako nakatulog nang gabing yun..

Kinaumgahan.. Nagtanong nanaman sila kung sino yung tumakbo nung gabi.. Sinabi ko ako yun.. 

then lumabas ako ng bahay, tinawag ako ni Mang Dodong 

nakita mo yung babaeng naka duster?

 kilala si mang dodong na mantatawas sa lugar namin kaya sinagot ko siya


opo.. sino po ba yun multo?


at ang sagot niya


oo! pero di ko siya kilala! diba may naririnig kang tumatakbo sa bahay niyo? Paa niya yun.. sa susunod pag nakita mo siya tawagin mo at sabihan mo na sainyo ang paa niya!

 nagulat at natakot naman ako sa utos ni mang dodong.. sino kayang malakas ang loob na gagawin yun 

Sinabi ko sa mama ko yung sinabi ni mang dodong. Kaya ang ginawa namin nag lagay kami ng mga asin at nagpaensenso kami..

Kinagabihan wala na kaming naririnig na tumatakbo sa baba!

At hanggang ngayon ay wala na akong nararamdaman at nakikita isang beses lang ako nakaranas ng ganung kababalaghan.. 



Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon