T.V

1K 6 0
                                        


T.V

BY; 09175369 - - -

Share ko lang po ang story kong ito.. nangyari po ito last year lang po noong mahal na araw.
Biyernes santo po nang panahon na iyon ay nag pasyang umalis ang pamilya ko. Ang nanay,tatay at mga kapatid ko, di ako sumama sa kanila dahil yung araw na yun ay wala ako sa mood. Nagalit pa nga ang nanay ko saakin, pero sa huli wala rin silang nagawa..

Lumipas ang ilang oras mula nung umalis ang aking pamilya ay di pa rin sila dumarating. 6pm na naggabi wala pa rin sila. Nag text ang nanay ko na malapit na daw sila di naman daw kasi trafic.

Then habang inaantay ko sila nag pasyaako manuod ng T.V puro kadramahan ang mga napapanuod kaya, nagpalipat lipat ako ng chanel. Habang nililipat ko ito, mapapansin mo ang t.v na magbablack, yung parang pumapatay siya nang mabilisan diba ganun yung T.V pag nililipat?

Habang nililipat ko ito my napansin akong lubos na ikinagulat ko. Parang may imahe ng tao na nakatayo malapit sa gilid ng upuan na malapit sa t.v nakaupo ako sa malapit sa pinto at bukas ang pintuan.. yung sinubukan ko patayin ang T.V gamit ang remote, nagulat ako sa nakita ko

Isang matandang lalakng nakabarong at nakatalikod ito saakin.. patay na ang T.V nang tie na yun kaya kitang kita ng mata ko yung imaheng iyon.. agad akong napasigaw at napatakbo sa labas.. nakatingin pa nga saakin yung mga kapit bahay namin na nab bibingo at mga bata na naglalaro

Nang magtanong sila kung bakit agad ko naman iknuwento ang nakita ko..

Sabi daw nila baka dun daw siya nakatira sa tabi ng bahay namin.. kasi po duplex po ang house po namin search niyo nalang po kung ano ang duplex..

Kinuwento ko rin po sa magulang ko yung nakita ko pero parang wala lang, wala akong ginawa o wala kaming ginawa para mapaalis yung matandang yun..

Hindi ka na ulit nakita yung matandang yun mabuti nalang.. yun na po ang una at huli na nakita ko siya..

Kaya po para sa mga mahilig manuod ng t.v na mag isa.. try niyo po talasan ang mga mata niyo.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon