Nung bata pa ako hanggang ngayon na dalaga pa ako napakadaming nakakakilabot ang nangyari saakin at isa na nga ito...
ang kukwento ko sayo ay yung nang ako'y 10yrs old palamang at ito ay nangyari sa probinsya namin sa Quirino bagong lipat kami noon sa bahay na may dalawang kwarto at sa likod noon ay madaming puno, ako lang mag isa sa unang kwarto at sila mama, papa at ang bunso ko kong kapatid ay magkasama sa isang kwarto.
Gaya nang ibang bata takot ako mag isa, lalo na pag malakas ang hangin kaya pumunta ako sa kwarto nila mama at doon matulog.
Nakatulog naman ako pero maya maya ay nakalmot ako ng kapatid ko at biglang may tinuro siya sa bandang pader. Laking gulat ko na may nakita akong pandak na tao na tumatawa at may katabi siyang baul
Alam ko naman na dwende yun sinabi ko lang sa kapatid ko na laruan lang yun at matulog nalang siya.
Kinaumagahan ay pagising namin ay nilalagnat ang kapatid ko at nagsusuka, hindi ko alam kong totoo ba ang nakita namin ng kapatid ko o hindi
kaya ba siya nagka ganoon ay dahil sa nakita namin?
ay hindi ko alam
basta ang alam ko dewende ang nakita namin na yun
Lumipas ang ilang taon di na kami nakatira sa Quirino, pero dahil taga doon ang lolo at lola ko ay napilitan akong bumalik doon.
Kababa lang namin ng mama ko sa van at gaya ng ibang probinsya ay wala nang ibang tao at ilaw sa paligid, kaya napilitan kami ni mama na maglakad at maghanap ng trycle.
Tapos bigla akong tinawag ng kalikasan dahil wala namang tao sa paligid doon nalang ako umuhi sa kalsada, kahit nakakahiya eh wala naman tao kaya umihi nadin ako.
habang ako umiihi ay nilingon ko si mama ngunit nagulat ako nang muli ko nanaman nakita ang duwende 4 yrs ago. Nakangiti pa rin siya at kumakaway saakin
Bigla akong tumayo at tumakbo at nagsisigaw tapos sa di kalayuan ay nakita ko na si mama na may kasamang trycle.
ang masaklap po ay basang basa ang pantalon ko at naiisip ko bakit ba siya kumakaway siguro ay dahil winiwelcome niya ako
marami talaga sa mundong ito ang hindi mapaliwanag ngunit isa lang ang alam ko, hindi lang tayo nakatira sa mundong ito

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2