Call Register

3.3K 61 2
                                        


  Nangyari po ito nang gabi nang sabado de gloria.. gumala kaming magkakaibigan.. Mga alas otso ng gabi ay nag pasya kami na umuwi na.. tatlo lang kami ang nakasakay sa isang kotse ng kaibigan ko.. ako ang nasa tabi ng kaibigan ko na nagmamaneho ng kotse niya at isang kaibigan ko naman ay sa likuran namin.. habang kami ay bumabyahe ay nagkwento nang nakakatakot yung kaibigan naming nasa likod halatang kwentong barbero at di nakakatakot.. 8:30 nang dumaan kami sa shortcut papuntang subdiv namin.. dito ay may ginagawang Camela SUbdiv. medto tahimik. walang ilaw at walang tao.. tanging ilaw lang ng kotse ang nag bibigay nang liwanag dito.. maya maya ay nagkwento nanaman ang kaibigan ko nang nakakatakot. at sa kwento niya na iyon ay kinalibutan na ako pero ang kaibigan ko pang isa ay parang hindi.. nagkwento ang kaibigan kong pangalanan nating Joshua patungkol sa lugar na dinadaanan namin.. dati daw yung lugar na dinadaanan namin ay tapunan ng mga bangkay nung panahon pa ng hapon.. alam ko rin ang kwentong yun pero di ko maintindihan ang pakiramdam ko.. nang makadaan kami sa maikling tulay ay naghamon ang isa ko pang kaibigan ang pangalan niya ay James.. hinamon niya ko a bumababa at magstay ng 5 sec.. umayaw ako.. inasar nila akong na duwag.. di na ako nagkaila na takot ako.. sumunod hinamon ni James si Joshua tumangi si Joshua at siya naman inasar namin namin.. dahil mapride siya pumayag siya 10sec Pa nga daw.. iniwan niya lahat ng gamit niya sa kotse at lumabas at sinara ang pinto.. wala pang 3 sec ay umandar ang kotse namin..pinagtripan ni James si joshua iniwan namin si joshua sa madilim at walang ilaw na tulay.. umandar ang kotse namin at hinahabol kami ni joshua.. tawang tawa ako sa trip ni james maya maya tumawag si joshua sakin at niloudspeak ko ito para marinig ito ni James..

ano takbo pa joshua(haha)
pero nagulat kami sa boses ng tumatawag malalim, malaki at parang nagmamakaawa sigurado akong hindi si joshua ang narinig namin

ang sabi nito ay:

TAMA NA TAMA NA MAAWA KAYO TAMA NA

ako: hihinto mo na boy

hihinto na sana ni james ang kotse ngunit nagulat kami sa itsura ni joshua sa isang madilim na lugar papalapit siya saamin nakita namin ang kanyang mata.. pulang pula ito at kitang kita sa dilim.. nangiginig ako .. dahil sa takot hindi kami makagalaw ni james hanggang sa kumatok si joshua sa bintana,,

joshua: ano ba kayo ayos kayo mangtrip... sakit ng paa ko


nagkatinginan lang kami ni james dahil bumalik s a dating itsura si joshua

tinanong namin siya kung paano niya nagawang tumawag habang tumatakbo.. pero ang sagot niya tanga iniwan ko lahat ng gamit ko rito paano ako makakatawag?

simula po noon ay kailan man di kami dumadaan ng gabi at di nanamin pinaguusapan ang mga nangyari..  

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon