Anna and I have been bestfriends since we're still wearing diapers,magbestfriend din kasi parents namin. We're inseparable and we're partners in crime. Never pang nagkakaboyfriend si Anna, samantalang ako 2nd year highschool pa lang ata nanchichicks na ko eh. Hahaha
Ewan ko ba dun, may mga manliligaw naman sya, sya lang talaga tong may ayaw. Mapa-mayaman, mahirap, macho, isang ubo na lang, gwapo, panget ayaw nya pa din! Tinatanong ko nga sya kung bakit ayaw nya magboyfriend, basta lang lagi nyang sagot sakin kaya hinayaan ko na lang..
College kami nung tinamaan talaga ako ng malupet, 3 years naging kami pero niloko lang din ako. Kinarma ata ako. Inis na inis si Anna nun sa ex ko pero sabi ko hayaan na lang, dinamayan nya kong uminom nun hanggang alas tres ng madaling araw. We also made a pact that night, sabi ko kasi ayoko na magmahal kahit kailan kasi alam ko na ngayon kung gaano pala kasakit. We made a pact na by the time we turn 25 years old tapos single pa din kami or broken pa din, kami na lang dalawa yung magpapakasal. Hahaha kalokohan lang talaga yun pero paglipas ng ilang buwan parang gusto ko ng seryosohin. Bat naman kasi hindi? Maganda naman si Anna, mabait, kilalang kilala na namin ang isa't isa, sya pa yung nandyan lagi para sakin. Sinabi ko sa kanya na mahal ko sya tapos ang sabi ba naman sakin 'G*g* ka ba, ikaw lang naman hinihintay ko. Kala mo ba di ako nagboboyfriend kasi trip ko lang? Hindi noh, ikaw lang naman kasi talaga gusto ko noon pa'. Natuwa ako sa mga sinabi nyang yun, 20 years old kami that time. 5 years na lang pala hihintayin ko.. Pero mali pala ako kasi wala na kong hihintayin.
It was July 2010, a week after our prelims, magkaaway kami ni Anna nun. Pumunta kasi sila nung isang araw sa bahay ng blockmate nya na may gusto sa kanya noon ng wala man lang pasabi. Hindi ko sya pinapansin nun sa sobrang inis ko, hindi rin kami sabay umuwi. Ang huling sinabi nya lang is pupunta daw sila ulit sa bahay ng blockmate nya para tapusin na yung report. Naisip ko pa nga nun na bakit ngayon pa sya nagpapaalam. Sobrang lakas ng ulan pagdating ko sa unit ko kaya di ko maiwasang di mag alala kay Anna. Sinubukan ko syang itext at tawagan pero cannot be reached, lowbat siguro. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kakahintay. Nanaginip pa nga ko ng babaeng nakasuot ng uniform namin, basang basa sya tapos maputik pero wala syang mukha. Binangungot ata ako.
Nagising ako ng 10 am, wednesday, wala akong klase. Sobrang daming missed calls tsaka messages sa phone ko pero wala ni isang galing kay Anna. Mas kinabahan pa ko nung nakita kong puro sa parents namin galing yung messages tsaka missed calls. Nabitawan ko yung phone ko nung nabuksan ko na yung messages at nabasa ko na yung pinakahuli.
From: Tita Shiela 11:45 pm
'Arthur? Kasama mo ba si Anna? It's almost midnight pero wala pa rin sya'From: Tita Shiela 8:30 am
'Arthur, wala na si Anna..'Pinuntahan ko agad yung address ng morgue na tinext ng mommy ni Anna sakin. Pakiramdam ko tumigil yung pagtibok ng puso ko nung nakita ko syang nakahiga dun. Nilapitan ko sya tapos hinawakan yung kamay nya. Maputla na sya tsaka malamig na. Ang sabi sakin natagpuan daw sya sa talahiban malapit sa sakayan ng tricycle. Punit punit daw ang damit kaya palagay daw nila ay nirape sya tapos pinatay. 3 days lang ang burol ni Anna, pagkatapos nun ay inilibing na sya. Iyak ako ng iyak nun, hindi ko matanggap. Napapasobra na din ako sa pag inom ng alak, sobra kong sinisi ang sarili ko. Kung di ko sana sya inaway sana buhay pa sya ngayon, sana kasama pa namin sya.
Pagkatapos mailibing ni Anna, madalas na kong nakakaramdam sa unit ko na parang may nagmamasid sakin. Minsan pa nga narinig kong may tumawag sakin at tumapik sa pisngi ko, alam kong si Anna yun, hindi ako pwedeng magkamali. Sabi nya bumangon na daw ako kasi male-late na ko. Agad akong napabangon sa kama nun, tawag ako ng tawag sa pangalan nya pero wala akong nakitang Anna. Minsan din nung nagtutoothbrush ako sa CR, yung salamin kasi dun kita mo yung bintana ng kwarto ko pag nakabukas yung pinto ng CR. Mahangin nun kaya gumagalaw galaw din yung kurtina,nakita ko mula sa salamin si Anna nakatayo sa gilid ng bintana. Napalingon ako agad pero wala na sya dun. Hindi ko na nga alam kung sya ba talaga yun o sadyang namimiss ko lang talaga sya. May times din na pakiramdam ko may nakayakap sakin tuwing gabi tapos malamig at tuwing umaga may makikita akong footprints na maputik sa kwarto ko.
Lumipas ang ilang taon, nahuli na din yung mga salarin, napagtripan ng mga lasing sa kanto si Anna tapos dinala sa talahiban sabay nirape. Di ko na matandaan kung ilang beses akong pinigilan ng parents namin sa pagbasag ng mukha ng mga g*g*ng yun. Nakakilala din ako ng bago. Hindi ko pa rin nakakalimutan si Anna but I was given a chance to love again. Nung time na sinagot ako ng girlfriend ko, nakita ko pag uwi yung picture frame na may picture namin ni Anna, nakataob. Hindi na muling nagpakita/nagparamdam si Anna nun. Sunod ko na syang nakita the night before my wedding day. Sa CR ng hotel room ko nakarinig ako ng babaeng umiiyak, alam ko si Anna yun. I talked to her, sabi ko sa kanya masaya na ko pero that doesn't mean na nakalimutan ko na sya. After a few minutes nagpakita sya sakin and I saw her face, nakangiti sya ng malungkot. Nung wedding day ko nakita ko ulit sya, habang naglalakad yung fiance ko down the aisle, nakita ko si Anna sa entrance ng simbahan. She was wearing a sad smile again, it suddenly reminded me of the pact we made. Kami sana ang ikakasal ngayon.
Nagpaparamdam pa rin si Anna after kong ikasal, mas madalas simula nung ipinanganak yung panganay ko. I often hear her singing lullabies to my little Timmy. Hinayaan ko lang sya, I feel happy whenever I feel her presence. Minsan nga nung kami lang ng anak ko sa bahay kasi yung wife ko umuwi ng province to visit her parents, nakatulog ako habang nagpapakulo ng feeding bottles. Paggising ko bigla ko yun naalala tapos nagpanic ako pero pagpunta ko sa kitchen nakapatay na yung kalan. I knew it was Anna, hindi pa rin sya nagsasawang bantayan kami. My wife knows about Anna pero di nya alam na kasama pa rin namin sya hanggang ngayon, siguro tsaka ko na lang sasabihin. I don't want her to freak out. Hinayaan ko lang until our college friend visited me sa bahay namin. May third eye si Russell kaya sure ako na nakikita nya si Anna. Kinausap ako ni Russell, he told me na matagal ng patay si Anna and she should rest now. Hindi na daw dapat sya nakikisalamuha sa mga buhay. Sabi nya I need to set Anna free, hindi daw makaalis si Anna dahil alam nyang ayaw ko pa syang pakawalan. The night after that, nagtirik ako ng kandila para kay Anna, I prayed for her and told her na I'm setting her free, na okay na ko kahit umalis na sya. I also thanked her for watching over me and my family through the years, especially my little Timmy. Humangin ng malakas nun then after that never na ulit nagparamdam/nagpakita si Anna.
You will always be my one true love Anna, you will always have a special place in my heart. Hinding hindi kita makakalimutan, one day I'll tell my kids about you. Especially Timothy I'll tell him how selfless and loving you are. Hindi man tayo nagkatuluyan ngayon pero maybe in another life Anna, we will.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Kısa Hikayebased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2