The laughing lady

440 12 6
                                    


I don't want to tell my name and the location of the condo that was stated here. Ayokong maging kasiraan nila yung kwento ko. For the sake of everybody. And sorry kung mahaba.

I was never really a fan of ghosts and paranormal activities or whatever you call them. Siguro kasi hindi pa naman ako nakakaencounter face to face, lagi ko lang sya naririnig sa mga kwento ng mga matatanda, ng mga friends ko o kaya napapanuod ko lang sya sa mga movies. Nakatatak na sa isip ko na wala talagang mga multo multo na yan o kung ano pa man na kababalaghan. But I was wrong.

What happened to me was very traumatizing (for me) to the point na all I can do is to cry out of fear. So this how my story goes.

I was an independent person, maaga akong humiwalay sa pamilya ko since I can support my needs and I have a stable job. Workaholic din ako kaya lagi akong pagod pagdating sa condo ko.

One night, super stressed at lantang gulay na talaga ako galing work at dumiretso na sa kama para matulog.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko I heard someone giggling. Parang may tumatawa pero mahina lang. Yung parang bungisngis ba. Boses babae yung naririnig ko. Napadilat ako bigla kasi, ako lang mag isa dito sa condo ko. At ngayon lang nangyare to. I stayed calm at hindi ako nagpadala sa takot. Nilibot ko yung paningin ko sa loob ng kwarto ko para makita kung saan nanggagaling. Until may naaninag akong shadow ng isang tao sa sulok ng kwarto ko. Di ko madetermine kasi medyo malayo sya at night light lang yung bukas kaya medyo madilim.

Pinagpapawisan ako ng sobra. Di ko alam gagawin ko. Ang lamig ng mga palad ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang palakas ng palakas yung tawa nya hanggang sa naging halakhak na. Kitang kita ko na gumagalaw yung balikat nya kahit medyo malabo yung figure. Naluluha na ako kasi di ko talaga alam gagawin ko. Lahat ng lakas sa katawan ko nawala kasi ang daming tumatakbo sa isipan ko.

Di ko alam kung sisigaw ba ako or tatakbo. Para akong nanigas, hindi alam ang gagawin. Tinitignan ko sya maigi. Tuloy pa rin sa tawa. Hanggang sa parang umaabante papalapit sakin kasi lumalakas na yung boses nya at nakikita kong gumagalaw yung figure

Hanggang sa nakita ko na sya ng tuluyan. Pinikit ko kagad yung mga mata ko kasi natakot talaga ako sa nakita ko. Kahit agad pumikit ako nakita ko sya ng lubusan. Parang binuhusan ng pintura yung buong katawan nya kasi sobrang puti, kakulay ng chalk. Yung buhok basa at buo buo halos matakpan ang mukha nya. Hindi normal yung ngiti nya. Yung ngiti nya na yun yung hindi ko makakalimutan. Sobrang wide nung bibig nya na halos umabot na sa magkabilang tenga nya. Tapos yung mata nya nanlilisik at para bang patingin tingin kung saan kasi gumagalaw sa ibat ibang direksyon yung eyeballs nya. Sinasabayan din ng ulo nya ang mata nya kasi gumagalaw din ito sa ibat ibang direksyon. Habang natawa ng malakas. Nakahubad sya pero sobrang puti ng katawan. Hindi normal na pagkaputi. Gaya nga ng sabi ko parang naligo sa pintura.

Habang nakapikit ako nagdadasal ako sa Panginoon na kung isa tong bangungot sana gisingin nya na ako. Paulit ulit akong nagdasal ng Our Father. Hanggang sa nawala yung nakakabingi nyang tawa.

Hinantay ko kung wala na talaga at binuksan ko yung mata ko. At nilibot ko ang mata ko. Pero nandun sya nakasampa sa paanan ng kama ko. Tapos tumawa sya ng napakalakas, yung tawa na pang baliw. Sobrang lakas, pumikit ulit ako. Hanggang sa naramdaman ko na lumlubog yung part ng kama ko sa paanan. Sobrang takot ko umiiyak na ako. Feeling ko mamamatay na ako. Huminto yung tawa nya.

Hanggang sa may naramdaman akong buhok sa mukha ko. Dumilat ulit ako nang makita ko sya sa harap ng mukha ko. Tapos tumawa sya ng malakas. Nakita yung mukha nya, yung mga mata nya yung way na pumipitik pitik yung ulo nya habang natawa. Sumigaw ako ng napakalakas. Sobrang lapit ng mukha nya nakalutang sa ibabaw ng mukha ko. Tawa sya ng tawa. Sigaw ako ng sigaw at hindi ako makagalaw

Hanggang sa nagblack lahat. Nawalan ako ng malay. Di ako sure kung nawalan ako ng malay o ano man. Kasi pagkadilat ko umaga na at maliwanag na ang lahat. Nilibot ko yung buong kwarto, walang bakas ng kahit sinong pumasok. Pero di ko pa rin makalimutan yung babae na yun o kung ako man sya.

Pero nilakasan ko yung loob ko at isinawalang bahala yung nangyare. Sabi ko pa nga sa sarili ko "Masamang panaginip lang yun" inisip ko na baka pagod lang ako kaya binanungot ako at inumpishan ang araw ko. Ginawa ko naman yung mga usual na ginagawa ko everday. Kumain, naligo at nagbihis para pumasok sa trabaho. Hindi ko na inisip yung nangyare kagabi.

Papaalis na ako ng condo, papalabas na ng unit ko. Habang isasara ko yung pinto para umalis hindi ko sya maisara. Nung binalikan ko ng tingin kung bakit ayaw magsara ng pinto. May paa na nakaharang sa pinto.

Tumaas lahat ng balahibo ko kasi ang putla ng paa, tumingala ako at tinignan kung kanino. At ayun, nakangiti nakatitig sya sakin. Sumigaw ako ng malakas. Hinihila nya ako papasok kasi hawak ko pa yung doorknob. Halakhak sya ng halakhak. Buong pwersa kong hinila yung kamay ko. Tapos ang huling narinig ko ay yung halakhak nya.

Gumising ako sa ospital hawak ng mommy ko kamay ko. Tinanong ko sya kung bakit ako nasa ospital at ang sabi nya nagcollapse daw ako sa harap ng unit ko. At bigla kong naalala lahat ng nangyare. Naalala ko na naman yung mukha nya. Yung ngiti nya. Yung tawa nya. Wala akong nagawa kung di yumakap nalang sa mommy ko at umiyak.

Pagdischarge sakin sa ospital, agad agad kong binenta yung unit ko at lumipat sa mga parents ko. Hanggang ngayon naaalala ko pa din yung tawa na yun. At everytime na mangyare yun, kinikilabutan ako at naiiyak sa takot. At matapos lahat ng yun hindi na ako natulog mag isa.

Maniwala man kayo o hindi it's fine. Pero eto lang sakin ah? Alam ko yung nakita ko at hindi ako baliw. Pasensya na din kung hindi ako effective magsabi ng story ko. Kasi ayoko talagang maalala pa yung mukha na yun. Pero it's worth a shot kung isheshare ko right? Wala namang masama diba? At sorry din kung mahaba.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon