This is a story of my cousin with his friends. Nakwento lang sakin ng tita ko and this month lang nangyari. I don't know the exact time, basta gabi na yun, 9pm onwards siguro.
Gumagala lang sila that night, hilig nila mag road trip ng mga barkada nya. On the way sila to Tagaytay. Maganda kasi ang daan dun, masarap ang simoy ng hangin pag gabi. Yung cousin ko, kotse yung minamaneho nya, apat silang sakay. Isa sa front seat which is yung katabi ng cousin ko (driver), dalawa naman sa backseat. May kasama pa silang mga nakamotor. Nang biglang mapansin ng cousin ko na tatlo na silang sakay nya sa backseat. Kitang kita nya sa mirror na nasa harapan nya. Nasa gitna yung nakisabay sa kanila na hindi nya marecognize kung babae o lalaki dahil walang ulo at katawan lang ang naaaninag nya. Hindi na lang sya nagsasalita na may nakikita sya. Madalas ng makakita ang cousin ko, pero hindi yung araw araw may nakikita sya, noon na lang daw ulit nangyari.
Bigla naman silang sinabayan sa pagtakbo ng isa sa mga kaibigan nyang nakamotor. Ang sabi huminto muna. Pagbaba nung cousin ko tinanong nya kung bakit daw, pero parang alam na din nya. Ang sabi ng kaibigan nya ""Kanina ko pa nakikita, tatlo na yung sakay mo sa likod, bago tayo umalis dalawa pa lang sila jan"". Nung marinig yun nung dalawang nakasakay sa backseat, bumaba agad sila na takot na takot. Bago pa lang pala sila makarating ng tagaytay ay nakita na yun ng kaibigan nila na nakamotor. At napansin naman yun ng cousin ko nung nasa daan na sila ng Tagaytay. Hindi na tuloy alam nung dalawang nasa backseat kung sasakay pa sila ulit 😅
Hindi ko na alam kung pano sila nakauwi ng payapa. Hanggang jan lang yung kwento sakin eh. Hehe. Kaya ung mga mahilig bumyahe jan ng gabi o madaling araw sa tagaytay, ingat kayo. Marami kasing naaaksidente sa road ng tagaytay, idk kung bakit. Salamat sa pagbabasa. God bless po 😊
abi-abi

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2