Spooky day sainyo, ito pong ikukwento ko sainyo ay nangyari sa relatives ko...
Ito po ay nangyari way back 2002 nang tumira sila sa lumang bahay sa yumaong naming tita dito sa Baclaran
nung una ayos naman ang pagtira nila doon, pero makalipas ang ilang araw ay nararamdaman nila na merong kakaiba sa bahay na yun
Tuwing gabi ay nagkakalampagan at nagbabagsakan ang mgag amit sa kusina tulad ng kutsara at pinggan na ani mo'y nanghahanda nang pagkain sa hapagkainan at kapag tinitignan nila ang kusina ay wala namang niisang gami ang nagagalaw.
Hindi naman nila masasabi na daga daw yun dahil malalakas talaga ang ingay sa kusina..
Walang gabi ang lumipas na hindi nangyayari yun......
Hanggang sa dumating ang araw na sa isang kwarto nalang sila laht natutulog, malamang ay dahil sa takot na rin.
Hindi naman malaki ang bahay dahil meron lang naman itong dalawang kwarto,maliit na sala at isang banyo.
pito nga po pala sila nakatira sa bahay na yun. Pinaensenso na nga nila ang buong bahay pero wala naman ang nangyari..
Isang gabi dun natulog ang tito kong lasingero sa bahay na yun dahil gabi na natapos ang inuman nila dun sa bahay.
Sinabi na rin ng tita ko na dun nalang siya matulog sa kwarto kung saan sila natutulog.
Pero nagtapangtapangan ang tito ko di daw siya naniniwala sa ganong kwento at ang ending ay nahiga nalang siya sa folding bed sa sala at dun na natulog.
Nakainom siya nun malamang mabilis siya nakatulog.
Madaling araw nang maalimpungatan sia at tuluyan na nga nagising at napasigaw.
Dahil may isang malaking tao na nagtaob sa kanya sa hinihigaan niya sa folding bed.
at dun na nga naglabasan ang mga pinsan ko at ang tita tito ko sa kwarto..
Sabi ng iba tikbalang o kapre daw ang nakikita duon sa bahay, yung iba naman ay duwende daw. Sabi naman ng ilan ay mga kaluluwang nagambala kaya gusto sila paalisi sa bahay.
Pero ito talaga ang pinaka nagpatindig ng balihibo ko nang ikwento nila saakin to.
Isang hapon ay papasok na sana ang pinsan ko sa C.R. nila siya daw yung bukas yung third eye sa kanila.
Pagbukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanya ang isang babaeng nakabigti sa loob ng banyo.
duguan ito pero ang pinagkaiba hindi tio naka puti o nkaitim, naka pambahay lang daw ito na damit.
Syempre sumigaw siya at agad nag tatakbo
Pero pagbalik nila ay wala na ang nasabing babae...
Umakyat pa nga yung tatay niya bubong at chineck kong meron doong lubid o bakas na pinagbigtian doon ngunit wala naman silang nakita
Dahil dun ay naghanap nalang sila ng bahay na malilipatan..
siguro nga ayaw sila patirahin doon
nung araw na paalis na sila ay nakita ng pinsan ko na may babaeng nakatanaw sa kanila sa bintana habang sila papalayo sa bahay
Hindi po siya gaano nakakatakot pero totoo po ito... salamat po sana mabasa mo po ito
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
القصة القصيرةbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
