Gas Station

441 10 2
                                        


Hi, tawagin nyo na lang ako sa pangalang Toto. At nais Kong ibahagi sa inyo ang karanasan ko kagabi pauwi galing trabaho, naikwento ko na dito ung karanasan sa jeep at dito din mismo sa lugar na ito, ang akala ko hindi na masusundan yon pero heto na naman at silay nagparamdam muli, Oo marami sila, kasi nung una siyang magpakita sa akin mag isa lang siya. Sa mga taga Pandi dyan makaka relate kayo for sure lalo na yung mga umuuwi ng sobrang dilim na. Kagabi lang nangyari to at syempre hindi ako nakapasok dahil sa naaalala ko ang mga itsura nila. 11:25pm Oct 22, 2018, saktong oras ng makasakay ako ng dyip.. Sakto lang kasi pamasahe ko kaya hindi na sasapat kung sasakay ako ng tricycle. Win Gas station pangalan ng gasolinahan na pinag antayan ko ng jeep, halos kalahating or as mahigit din akong naghintay ng may lumapit sa aking babae na naka bestidang dilaw at nakayapak lang, nagtanong siya sa akin kung nakita ko ba raw ang shoulder bag niya, umiling ako at ininuturo niya yung funeraria sa kanto, nag aantay raw ang pinsan niya at baka daw mahuli sila sa byahe. Saka siya biglang tumalima nung kumakaway ang pinsan niya, napansin ko ung dugo sa kaliwang bahagi ng katawan niya, dumadaloy ang dugong sariwa, napagtanto Kong wala siyang anino samantalang ako, maging ang posteng naroon at maging ang mga bahay at may mga anino. At heto na nga ang jeep, galing sa sta. Maria at kumaliwa ng dahan dahan, bumaba ang driver at inalam niya kung bakit huminto ang minamaneho niyang jeep, namatay din ang makina na kanina ay rinig na rinig ko pa, wala na siyang sakay kasi nakapatay na ang ilaw sa mismong loob ng jeep, ng sumilip siya sa ilalim, bigla siyang napatakbo sapagkat ang jeep na kaninay nakapatay ang making at bigla na lang nag start. Napakamot ang driver sa ulo, at dun ko napansin yung mag pinsan na nasa loob ng jeep at dun na nagtayuan ang mga balahibo ko sa takot at pagkabigla, Pero ipinagsawalang bahala ko lang ito, ayoko ding sabihin sa driver ang nakikita ko kasi sa pagkakaalam ko Hindi niya talaga ako paniniwalaan. Eto na sumakay ako katabi ng driver, usap konti, tungkol sa lugar kung saan kami parehas nakatira. Nakagaanan ko ng loob kasi palabiro din. Iaabot ko na sana ang bayad ko ng kinakalabit ako ng pinsan ng naka bestidang dilaw, 'Kuya may sasakay, saglit." Ang lamig ng mga daliri niya, akala mo bakal na naulanan. Kayat tumalima ako at sinabi ko sa driver na may sasakay kuya, Hininto niya ang jeep sa Kanto ng Hulo, Papuntang amana, waiting shed, nagtanong ang driver 'To, wala namang ibang tao dito bukod sa tayong dalawa na nasa jeep, Gutom lang yan" Pahabol niya at ang mga mata ko at nakatingin sa mga sasakay sa jeep na lulan din namin, nadagdagan ng limang pasahero, Oo limang pasahero na ako lang ang nakakakita. Umandar na ang jeep ng dahan dahan sabay pinaarangkada niya ng mabilis dahil siguro natakot din. Napangiti siya sa akin sabay tapik sa balikat ko, "may mga nararamdaman din ako Pero hindi ko sila nakikita, Minsan nga may Parang may pumipigil sa dinadaanan ko katulad kanina."
Kaya pala siya bumaba, madalas daw mangyari sa kanya yon kaya hinahayaan niya na lang. Nung biglang may nagsalita at parehas naming na rinig ang sinabi, 'Kuya, dyan lang ho ako sa eskuwelahan' sabay kaming napatingin sa likuran at dun namin napagtanto na may ibang pasahero talaga kaming kasabay na ako lang ang nakakakita, samantalang nararamdaman lang niya. Marahang hininto ng driver any jeep sa gilid ng eskuwelahan, bumaba yung limang huling sumakay pare pareho ding may bakas ng dugo sa ibat ibang parte ng mga katawan nila. Samantalang ang dalawa ay naiwan pa. Pinaandar ulit ng driver ang jeep at sinabi niyang, 'To, Magdasal tayo" , at sumang ayon din ako
Pagkatapos naming nagdasal ay gumaan ang pakiramdam naming dalawa at napansin Kong nawala yung mag pinsan na nakasakay sa jeep na aking sinasakyan.
Bumaba na ako ng Shell station at inabot ko ang bayad sa driver at nagpasalamat ako sa kanya, ayaw niya tanggapin itabi ko na lang daw para magamit ko sa tricycle. Nagpasalamat din siya sa akin. At naghabilin ako sa kanya na mag iingat siya palagi sa pagbiyahe at magdasal.

Tunay na Makapangyarihan ang panalangin, sana ugaliin natin, dahil hindi tayo kailanman pababayaan ng nasa itaas.

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon