Fall in line

389 10 3
                                    


Sana may makilala akong tao na nakaranas din ng ganitong panaginip.

Panaginip. Panaginip lang ito, why not go with the flow right? Ang weird lang kasi ee, kasi nung simula pa lang ng panaginip ko naka linya ako. Napatingin ako sa unahan at napagtanto kong ang haba pa ng pila. Madilim ang paligid pero kahit ang dilim ng paligid nakikita ko pa naman ang mga kasama kong nakalinya dahil may hawak akong nakasinding kandila. Tahimik lang sila tapos diretso lang ang tingin. Nagsimula ng gumalaw yung linya. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nakalinya dito. Nakisabay na rin ako sa kanila. At tsaka wala rin naman silang pakialam sa kandilang hawak ko. May nabuong plano sa utak ko, panaginip ko to at kontrolado ko ang lahat kaya pwede akong umalis sa linya at tumakbo papunta sa dulo ng linya.

Pero bago pa ako makaalis, may pumigil na sa akin. Hinawakan niya yung braso ko. 'Bawal ka umalis sa linya mo. Bawal kang sumingit.' Napatingin ako sa kanya. Magkasing edad lang kami. Ang payat payat niya tas ang putla pa niya. Tulad ko, nakalinya rin siya. Napatingin siya sa kandilang hawak ko. Hindi naman nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Hindi rin naman ako natatakot sa kanya. 'Bakit ka nandito? Ang haba pa ng kandila mo. Di ka patay' dire-diretso niyang sabi sa akin. Nagkatitigan kami. Dun ko napagtanto na linya pala ito ng mga patay. Tinanong ko siya kung ano ang hangganan nitong linya. Pero sabi niya hindi niya rin alam. Ngayong araw siya namatay at nagsisimula pa lamang siya maglakbay. Nagtanong ako kung bakit ako nasali dito pero tulad ko, hindi niya rin alam yung sagot. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Inihipan ko yung nakasinding kandila dahil dun para akong nabulag sa kadiliman. Ang dilim. Wala kang maramdaman sa paligid. Walang hangin. Walang nagsasalita.

Pero dahil adventurous akong tao tinuloy ko pa rin ang panaginip ko. Medyo nakaadjust na rin yung paningin ko sa dilim kaya medyo nakikita ko na sila. Pero hindi na ako kasali sa linya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa unahan. Gusto ko kasing makita yung dulo ng linya sa unahan. Tinitingnan ko yung mukha at mga suot nila pero ni isa sa kanila hindi ko kakilala. Nadiskubre kong yung mga taong nakalinya ay halos matatanda, may mga tao rin dun na mas bata sa akin at mga kaedad ko rin. Halata sa pangangatawan nila na halos galing sila sa isang malubhang sakit.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa narating ko yung nais kong puntahan. Nagulat ako dahil nakita ko yung lola ko dun. Halos limang taon ng siyang patay. Lumapit ako sa kanya.
'Bakit mo pinatay yung kandila mo? Mahaba pa buhay mo.' Sabi niya. Hinawakan niya yung kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. 'Wag mo na ulit tong gagawin ha? Malayo na ang narating mo, Umuwi ka na'

Nadiskubre kong nakaabot na pala sa dulo ng linya ang lola ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang malungkot o maging masaya dahil sa nangyayari. Nakakagulat at di ko masyadong maabsorb ang mga nangyayari. Sinindihan niya yung kandila ko at dun na ako nagising sa panaginip ko.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon