Teachers Camp

3.3K 28 3
                                        

by :  Nica Herera


share ko lang po ang story ko

nagkaroon po kami ng retreat sa Baguio, sa Teachers camp kami natulog in 2 nights and 3 days sa second floor.


Yung unang gabi namin bali 6 kami sa room puro girls, ako yung unang nakatulog sa sobrang pagod 

pagpatak ng 12mid. nagising kami dahil nakarinig kami nang ingay sa 3rd floor as in kinakalampag ang sahig sa 3rd floor, kasi gawa sa kahoy lang ang floor doon

ang naririnig namin ay parang naghahatak ng upuan, kabinet tapos may naglalakad na may kadena.

Alam namin walang tao sa 3rd floor kasi 100 students lang kami na nagreretreat sa teachers camp, bali ang ground floor at second floor lang po ginagamit then ang 3rd floor ay bakante.

Pinapakiramdam muna namin ang ingay na nagmumula sa 3rd floor,yung di nanamin natiis ayun lumabas na kami ng room, nagsumbong kami sa guard na nakaduty nang gabi nayun

Ang sabi wag nalang daw namin pansinin,bumalik na kami sa kwarto na takot na takot.

Pagtatak ng 3am nag-ingay nanaman ang 3rdfloor as in mas umingay pa pati nga mga bintana ay ng kakalampagan din pero wala namang hangin.

Pagkagising namin ng umaga biglang kumatok yung sa kabilang room namin, nagsisigawan sila at puntahan daw namin ang kwarto nila


nung pinuntahan namin may nakita kaming sulat sa bintanan nila na may nakasulat na pangalan ng lalaki at babae

nakasulat ito sa hamog na nasa bintana at maya maya ay nawala ang sulat kaya nagtaka kaming lahat eh paanong nagkaroon ng sulat dun eh nasa 2nd floor kami

Then pagdating nanaman ng gabi yung isa kong classmate nagsuklay siya sa harap ng bintana

ay may nakita daw siyang mga kung anong anong sulat sa bintana, at nagtagbuhan kami papalabas.

sa ilang araw at gabi namin sa teachers camp ay tiniis namin ang nakakakilabot na pangyayari.

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon